On Quezon del Sur (RA 9495)

ANG PAGBUBUO NG QUEZON DEL SUR
Republic Act 9495

Mga Tanong at Sagot Hinggil Dito

Mula sa Tanggapan ni Congressman Lorenzo “Erin” R. Tañada III
_____________________________________________________________

1. ANO ANG NAGING KASAYSAYAN NG REPUBLIC ACT 9495 NA NAGTATATAG NG PROBINSYANG QUEZON DEL SUR AND QUEZON DEL NORTE?

Noong ika-9 ng Setyembre 2004, ika-13 Kongreso, muling inihain ni Cong. Erin Tañada ang isang panukalang magbubuo ng Quezon del Sur at Quezon del Norte. Ito ay House Bill 2862.

Subali’t bago pa dito, marami ng panukalang nauna na may parehong layunin:

· Ika-10 Kongreso, 24 ng Hulyo 1996, naghain na si dating Senador na naging Congressman Wigberto “Bobby” E. Tañada ng HB 7577

· Ika-11 Kongreso, naghapag si Ka Bobby Tañada at Ka Raffy Nantes na noon ay parehong Kinatawan ng ating probinsya ng HB 702. Matapos ang pampublikong pagdinig na ginawa noon sa Gumaca Nobyembre taong 2000, naaaprubahan ang HB 702 sa Mababang Kapulungan. Hindi ito tuluyang nadinig sa Senado sapagkat natabunan ito ng impeachment process laban kay dating Pangulong Joseph Estrada.

· ika-12 Kongreso, naghapag muli ng isang panukalang batas na nagbubuo ng isa pang probinsiya ng Quezon sina Cong. Raffy Nantes, Congw. Yumul at Congw. Aleta Suarez.

Sa madaling salita, hindi bagong isyu ito. Mahigit ng isang dekada ang panukalang pagkakaroon ng isa pang lalawigan sa Quezon. At sa bawa’t paghapag ng panukala kada Kongreso simula noong ika-10, rekisito ang paghingi ng resolusyon ng posisyon ng kada bayan pati na din ng lalawigan.

Kakaiba ang naging katangian ng HB 2862 ng ika-13 Kongreso. Ito ang unang pagkakataon, sa pangunguna ni Cong. Erin, na lahat ng Kinatawan ng lalawigan ng Quezon – Cong. Raffy Nantes, Cong. Procy Alcala, Cong. Danny Suarez – ay nagkaisang itulak at maging ka-akda ng panukalang batas na ito

Inimbitahan ang mga punong tagapagpaganap, mga halal na opisyal at mga organisasyon pati na din si Bishop Marquez ng lalawigan ng Quezon sa mga naging pagdinig sa Mababang Kapulungan at sa Senado. Nagkaroon ng pagdinig at naaprubahan sa Mababang Kapulungan ito bilang substitute bill – HB 5970 at ito ay napadala sa Senado. Doon, muntik na itong muling mabinbin sa dami ng mga imbestigasyon na kanilang isinasagawa . Pero sa matiyagang pakikipag-usap ni Cong.Erin sa mga Senador, ito ay naikalendaryo ni Senador Alfredo Lim upang dinggin at aprubahan sa lebel ng Komite noong Pebrero 2007. Noong mga huling araw ng sesyon ng Senado, nagbabad si Cong. Tañada dito upang ang panukalang batas ay mabantayan at ganap na sang-ayunan ng buong plenaryo ng Senado.

Makalipas ang 60 araw matapos na ito ay matanggap ng Malacañang bilang aprubadong bersyon ng dalawang Kapulungan, ganap ng naging batas ang HB 5970 bilang Republic Act 9495— noong ika 7 ng Septyembre 2007.

2. Ano pa ang natitirang hakbangin upang maisakatuparan ang pagkakaroon ng Quezon del Sur?

Una, ang pagsasagawa ng plebesito sa loob ng animnapung araw matapos malathala ito sa pahayagan lokal at nasyonal o dili kaya ay sa sunod na pambansang eleksyon. Ang plebesito ang ang pinakamahalagang yugto ng buong prosesong ito sapagkat dito tuwirang makukuha ang pulso ng mga mamamayan ng Quezon. Dito natin sasabihin kung tayo ay payag o tutol sa pagbubuo ng Quezon del Norte at Quezon del Sur. (Seksyon 49)

Pangalawa, pagbubuo ng Ad Hoc Committee para sa implementasyon ng batas animnapung (60) araw mula sa ratipikasyon nito sa pamamagitan ng plebisito. Ang Komite ay may sumusunod na mga tungkulin – pamamahala, pangangasiwa at pagpapatiuna ng alinmang paglilipat, relokasyon o konstruksyon na maaaring kailanganin, ang pag-alam ng kinakailangang badyet para dito, at ang iba pang gawain upang maipatupad ng epektibo ang batas na ito. Ang Komiteng ito ay bubuuin ng nakaupong Gobernador, Bise Gobernador, Sangguniang Panlalawigan, at ang mga Kinatawan ng bawat distrito. Ang buhay ng Ad Hoc Committee ay matatapos kapag nahalal na ang panibagong mga opisyales ng probinsya o kapag natapos na ang nakasaad nilang tungkulin, alin man ang mauna. (Seksyon 50)

Pangatlo, habang hindi pa nagkakaroon ng halalan, magtatalaga ang Pangulo ng Pansamantalang (Interim) Gobernador, Bise Gobernador at mga miembro ng Sangguniang Panlalawigan na magsisilbi hanggang sa mahalal na ang panibagong mga opisyales ng lalawigan.

Pang-apat, ang paghalal ng mga opisyales ng bagong lalawigan sa sunod na lokal na eleksyon matapos maging epektibo ang RA 9495.

3. Anu-anong mga bayan at siyudad ang mapupunta sa Quezon del Norte at Quezon del Sur?

Ang Quezon del Norte ay bubuuin ng labing pitong bayan at dalawang siyudad na magbubuhat sa una at ikalawang distrito: Burdeos, General Nakar, Infanta, Jomalig, Lukban, Mauban, Pagbilao, Panukulan Patnanungan, Polillo, Real, Sampaloc, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong at ang siyudad ng Lucena at Tayabas. Ang Lucena pa rin ang kapital nito.

Dalawampu’t dalawa namang bayan ng ika-tatlo at ika-apat na distrito ang papaloob sa bagong probinsiya ng Quezon del Sur: Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Pitogo, San Andres, San Francisco, San Narciso, Unisan, Alabat, Atimonan, Calauag, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Perez, Plaridel, Quezon at Tagkawayan. Gumaca ang magiging kapital ng ating bagong probinsiya

4. Anu-ano ang mga rekisito upang makapagbuo ng isang probinsiya?

May mga batayang rekisito na kailangang maipakita upang makapagtatag ng isang probinsiya. Ayon sa Seksyon 461 ng Local Government Code, dapat ay may populasyong 250,000; lupaing may lawak na 2,000 kilometro kwudrado; at kitang P20 milyon batay sa presyo noong 1991 (constant 1991 prices). Sa pagbubuo ng bagong probinsiya, hindi dapat bumaba sa minimum na populasyon, lawak ng lupa at kita ang matitirang probinsya o tinatawag na mother province.

a) Ang Laki at Lawak ng ating Lalawigan

Batay sa Seksyon 461 ng Local Government Code, ang minimum na kailangang lawak ng lupa upang magkaroon ng isang probinsya ay 2,000 kilometro kudrado. Ibig sabihin, kung lawak at lawak lang ng lupa ang pagbabatayan, hindi lang dalawa kundi APAT na probinsya ang maaari nating buuin.

Ang Quezon ay may kabuuang lawak na 8,845.8 kilometro kudrado. Ang ating lalawigan ay ika-6 na pinakamalaki sa buong Pilipinas at binubuo natin ang 2.65% ng kabuuang lupain ng ating bansa. Mayroon itong 39 bayan at dalawang siyudad—ang Lucena at Tayabas. May 1,242 na bilang ng mga barangay.

Ang ‘Quezon del Sur’ ay magkakaroon ng lupain na ang lawak ay 4,033 kilometro kuwadrado. Ang Quezon del Norte naman ay bubuo ng 4,892 kilometro kuwadrado. Muli, higit na higit pa ang sukat na ito sa minimum na rekisito ng Local Government Code na 2,000 kilometro kuwadrado.

Mapapagtanto natin ang sobrang kalakihan ng Quezon kung bibilangin ang mga kapit-probinsya nito. Naandyan ang Laguna, Batangas, Aurora, Bulacan, Rizal, Camarines Norte at Camarines Sur. Bukod pa dito, nasa magkabilang gilid ng probinsya ang Lamon at Tayabas Bay.

b) Ang Dami ng Populasyon

Ayon sa Local Government Code, ang mimimum na bilang ng populasyon upang makapagbuo ng isang probinsiya ay 250,000. Kung purong populasyon lang ang batayan, hindi lamang dalawa kundi pitong probinsya ang kaya nating buuin.

Ang populasyon ng buong lalawigan ay pumapatak sa 1,646,710 ayon sa 2007 census. Ang Lucena, ayon sa 2000 Census of Population and Housing ang may pinakamaraming populasyon na 196,075. Kung tutuusin, higit pang mas malaki ang populasyon ng Lucena kaysa sa lalawigan ng Aurora na may 173,797 lamang.

Sa 2007 Census, ang pinagsamang populasyon ng ikatlo at ikaapat na distrito, ang magiging Quezon del Sur, ay aabot sa 802,896. Ang una at ikalawang distrito, ang Quezon del Norte, ay aabot sa 843,814. ibig sabihin, kayang-kaya nito abutin ang rekisitong minimum na populasyon na 250,000 para sa isang probinsiya.

c) Kita/IRA ng Probinsiya

Ayon sa isunumite ng Department of Budget and Management nitong Oktubre 2008, kung mayroon ng dalawang probinsiya ngayong taon, ang IRA o Internal Revenue Allotment ng Quezon del Sur ay aabot sa P562 milyon samantalang maiiwan sa Quezon del Norte ang halagang P684 milyon. Ito ay higit sa P20 milyong rekisito upang makabuo ng isang probinsya. Dagdag pa, mananatiling First Class Province ang kategorya ng dalawang probinsya. Makikita mula sa datos sa ibaba na ang pinagsamang kita ng Quezon del Norte at Quezon del Sur ay mas higit ng halos P140 milyon kumpara sa sa solong kita ng buong probinsya. Marahil ay sapat na ito sa pagpapatayo ng isang desenteng kapitolyo.

Kategorya

Rekisito

Quezon Province

Quezon del Sur

Quezon del Norte

a. Lawak ng Lupa

2,000 km2

8,845.80 km2

4,033.76 km2

4,812.04 km2

b. Populasyon

250,000

1,646,710

802,896

843,814

k. Kita/IRA

20,000,000

1,106,163,269

561,699,987

684,238,788

Pinanggalingan ng Datos: Department of Budget and Management

Notes:

1. Ang datos ng lawak ng lupa ay ayon sa Oversight Committee on Devolution Resolution No. 1, Series of 2005.

2. Ang datos ng populasyon ay ayon sa 2007 Census of Population per Proclamation Order No. 1489, ika-16 ng Abril 2008.

3. Ang minium na kita na P20 milyon ay batay sa 1991 prices kung kailan ipinasa ang Local Government Code.

5. Ano ang nagtulak sa apat na Kinatawan ng ating lalawigan upang magsama-sama upang maging batas ang pagtatatag ng Quezon del Sur at Quezon del Norte?

Bukod sa talaga namang higit pa sa mimimum na kailangang mga rekisitos upang makapagbuo ng isang probinsya, lahat sila ay tunay na naghahangad ng mas mabilis at pantay-pantay na pag-unlad ng kabuhayan ng mga mamamayan ng Quezon.

Totoong may mga probinsyang higit ang lawak at populasyon kumpara sa ating lalawigan subali’t kaiba talaga ang katangian ng Quezon.

  • Ang Quezon Peninsula ang isa sa pinakamahabang probinsiya ng Pilipinas. Iba’t-iba ang topograpia ng mga bayang nakapaloob dito. May mga munisipyong nasa isla na nangangailangan ng espesyal na pangangalinga. Mayroong malapit sa bulubundukin, sa karagatan, bukod pa ang nasa kapatagan.

  • Kalimitan, mga dalawampung bayan lamang ang nakapaloob sa isang probinsya upang ito ay epektibong mapamunuan ng isang Gobernador at iba pang opisyales ng probinsya. Ang lalawigan ng Batangas ay mayroong 32 bayan, ang Laguna ay mayroong 29, ang Cavite ay mayroong 20, ang Rizal ay mayroong 13. Ang Quezon ay may 39 na bayan at dalawang syudad, doble pa ng pangkaraniwang bilang ng bayang nakapaloob sa isang probinsiya. Hindi kataka-takang mahirap magbigay ng pantay-na pantay na pagkakalinga sa lahat kung sadyang maraming bayan ang nag-aagawan sa atensyon ng mga opisyales.

  • Kung mayroon ng bagong probinsiya, ang sentro ng pangangasiwa ay mapapalapit sa pinapangasiwaan. Maaasahan natin ang mas malimit at malapit na konsultasyon ng mga halal na opisyales ng probinsiya. Gayundin, mas madaling makakalahok ang taumbayan sa pagpaplano para sa kaunlaran ng probinsiya.

Sa bahaging ito, tingnan natin ang kasalukuyang kalagayan ng Aurora na dating bahagi ng Quezon. Kung titingnan ang Human Development Index[1] (HDI), lumalabas na mas maayos ang kalagayan ng mga taga Aurora kaysa sa mga taga Quezon. No. 38 ang ranking ng Aurora sa HDI noong 2003. No. 42 ang Quezon at nauna pa sa atin ang Kalinga, Mt. Province, Antique at 41 pang mga probinsiya.

Samantala, ang poverty incidence sa Quezon noong 2003 na 30% ay mas mataas kaysa sa national average na 25.7%.

Silipin naman natin ang estadistika ng kahirapan sa mga bayan-bayan na bubuo ng Quezon del Norte at Quezon del Sur, pati na din ang klasipikasyon ng bawa’t munisipyo.

Tantos ng Kahirapan

Income Classification ng Kada Bayan

Quezon del Sur, 2003

1997

2005

Atimonan

31.84

3rd

2nd

Gumaca

35.46

2nd

2nd

Lopez

37.85

1st

1st

Alabat

41.17

5th

5th

Calauag

42.43

2nd

2nd

Tagkawayan

43.91

2nd

2nd

Plaridel

44.02

6th

5th

Agdangan

44.23

5th

5th

Guinayangan

45.80

4th

3rd

Pitogo

46.44

5th

5th

Unisan

46.83

5th

4th

Quezon

47.93

5th

5th

Perez

50.01

5th

5th

Padre Burgos

50.61

5th

5th

Catanauan

51.19

3rd

2nd

Gen. Luna

51.87

5th

4th

Macalelon

53.60

5th

4th

Mulanay

54.52

3rd

2nd

San Narciso

57.09

4th

3rd

San Francisco

57.99

3rd

3rd

Buenavista

58.13

5th

4th

San Andres

59.14

5th

4th

Simple Ave.

47.82

Tantos ng Kahirapan

Income Classification ng Kada Bayan

Quezon del Norte, 2003

1997

2005

Lucena

8.79

1st

1st

Lucban

16.01

4th

3rd

Candelaria

20.99

1st

1st

Pagbilao

26.02

3rd

1st

Dolores

26.05

5th

4th

Tayabas

27.27

2nd

1st

Sampaloc

29.05

5th

5th

Infanta

29.08

4th

2nd

Tiaong

31.24

3rd

1st

Sariaya

32.89

1st

1st

Real

35.17

3rd

3rd

Panukulan

41.55

5th

5th

San Antonio

42.05

5th

4th

Mauban

42.20

2nd

1st

Polilio

47.00

5th

4th

Patnanungan

47.37

5th

5th

General Nakar

50.77

2nd

1st

Burdeos

52.39

5th

4th

Jomalig

55.00

6th

5th

Simple Ave.

34.78

Pinanggalingan ng Datos: 2003 intercensal Small Area Poverty Estimates, National Statistical Coordination Board in cooperation with the World Bank at Bureau of Local Government Finance, Department of Finance

Nakapanlulumo mang isipin, mas nakikita ang talamak ang kahirapan sa Quezon del Sur kumpara sa Quezon del Norte batay sa mga datos. Ang simple average poverty incidence[2] sa Sur ay 47.82 porsyento noong 2003. Ibig sabihin, halos limampu sa kada isang daang tao sa Sur ay mahihirap. Samantala, sa Norte naman, 35 sa kada isang daang tao lamang ang mahihirap. Ang Atimonan na sya ng may pinakamababang poverty incidence sa Sur ay nalakdawan ng siyam na bayan sa Norte.

Tingnan din natin ang nating tala ng pag-unlad ng mga bayan sa loob ng Quezon. Simula 1997 hanggang 2005, 11 sa 19 na bayan at dalawang syudad mula sa first at second district ay tumaas ang income class status. Ibig sabihin, higit sa kalahati po ng mga bayan sa first at 2nd district ang may pag-unlad na nakita. Dagdag pa, 8 sa mga ito ay first class ang status noong 2005.

Samantala, sampu lang sa 22 bayan o mababa sa kalahati ang tumaas ang income class status mula sa 3rd at 4th district. Isa lang, noong taong 2005 ang may first class status mula sa dalawang distrito.

6. Magkakaroon ba ng makatarungan pagkakahati-hati ng mga ari-arian at pananagutan ng buong lalawigan?

Ang aspetong ito ay tinutugunan ng unang talata ng Seksyon 55 ng RA 9495:

Equitable Division: Upon the effectivity of this Act, the obligations, funds, assets and other properties of the present Province of Quezon, renamed Quezon del Norte, shall, as much as possible, be divided equitably between Quezon del Norte and Quezon del Sur. The President of the Philippines shall order such division upon the recommendation of the ad-hoc committee which may avail of assistance from the Commission on Audit and other departments concerned.”

Pagsasalin:

Makatarungang Pagbabahagi. Kapag epektibo na ang batas na ito, ang mga pananagutan, pondo, kayamanan at iba pang ari-arian ng kasalukuyang Lalawigan ng Quezon, na pinapangalanang Quezon del Norte ay, hangga’t maaari ay makatarungang ipapamahagi sa pagitan ng Quezon del Norte at Quezon del Sur. Aatasan ng Pangulo ng Pilipinas ang pagbabahaging ito mula sa rekomendasyon ng ad-hoc committee na maaaring humingi ng tulong mula sa Commission on Audit at iba pang departamentong may kinalaman dito.”

Kung maingat na susuriin ang talata, “makatarungang pagkakabahagi” (divided equitably) ang ginamit, at hindi “pantay na pagkakabahagi” (divided equally). Malaki ang implikasyon nito, halimbawa, sa mga naging pagkakautang ng buong probinsya. Kung “divided equally” ang ginamit na terminolohiya ng batas, ang P100 milyong pagkakautang para sa isang proyekto ng probinsya ay ipapamahagi lamang sa dalawa at magkakaroon ng tig P50 milyong pagkakautang ang Quezon del Norte at Quezon del Sur. Ang terminolohiyang “divided equitably” ay nagsasabing kung alin ang nakinabang mula sa proyektong pinondohan ng P100 milyon na pagkakautang ng probinsya, yun dapat ang magkarga ng higit na responsibilidad ng pagbabayad nito.

7. Ano naman ang mangyayari sa kita mula sa buwis ng mga power plants na lahat ang nasa Quezon del Norte?

Ang katanungang ito ay sinasagot ng pangalawang talata ng Seksyon 55. Isinasaad nito na:

“The tax revenues from business enterprises principally located in one of the two provinces created herein but whose facilities or structures extend to the other, such as, but not limited to power generating plants, shall be proportionally divided between the two provinces. Provided, That such enterprises shall not be subjected to a second tax in addition to what is already imposed by the province where they are principally located.”

Pagsasalin:

“Ang mga buwis na mula sa mga negosyo o mga pangangalakal na prinsipal na matatagpuan sa isa sa dalawang lalawigang nabuo mula sa batas na ito, ngunit ang mga kagamitan at kayarian ay sumasakop sa kabilang lalawigan, tulad ng, ngunit hindi limitado sa mga planta na nagbibigay enerhiya, ay kailangang kasukat na hinati sa pagitan ng dalawang lalawigan. Ang nasabing negosyo ay hindi sasakupin ng pangalawang buwis na karagdagang ipinatutupad ng lalawigan kung saan sila ay prinsipal na matatagpuan.”

8. Sa halip na bumuo ng Quezon del Norte at Quezon del Sur, bakit hindi na lang natin dagdagan ng dalawa pa ang mga Kinatawan o Congressman natin? Dito, maaaring makamenos pa sa mga gastusin ang ating gobyerno. Madaragdagan pa ang mga proyektong pang-kaunlaran sa ating lalawigan dahil mas darami ang pork barrel na ilalaan sa ating lalawigan.

Ang mungkahing dagdagan ang mga congressional districts ay lagi nang naihahapag hindi lamang para sa Quezon kundi pati na rin sa ibang lalawigan. Subalit ang mungkahing ito ay hindi nakakuha ng sapat na suporta. Kaya kung sakali mang may isinumiteng panukalang batas kaugnay nito, maaring hindi ito umusad sa antas pa lamang ng Komite. Kahit ordinaryong barbero, pwede nating tanungin, “Gusto nyo ba ng dagdag na Congressman?” Maaring pare-pareho tayo ng hula kung ano ang magiging tugon niya.

Totoong mas mababa ang gastusin kung magdadagdag ng dalawa pang congressional districts kaysa sa magbuo ng bagong probinsiya. Subalit ang pangunahin nating dahilan sa pagbubuo ng isa pang probinsiya ay usapin ng pangangasiwa, hindi usapin ng paggagawa o pagsusumite ng mga batas para sa ating probinsiya. Alalahaning ang prinsipal na tungkulin ng isang Congressman ay ang pagsusulat ng mga batas at hindi ang pagpapatupad nito. Kaya hindi pa rin kayang sagutan ng dagdag na mga Congressmen ang pangangailangan natin ng mas masinsing pangangasiwa sa probinsiya.

Maari ngang madagdagan ang pork barrel para sa ating probinsya kung magdadagdag tayo ng mga Congressmen. Subali’t ang pork barrel lalo na sa panahong ito ay lalabas depende kung gaano kalapit ang Congressman sa Malacañang. Samantala, ang isang probinsiya ay laging nakakatiyak na may nakalaang pondo dito – ang tinatawag na IRA o internal revenue allotment. Ang paglalaan at pagpapaabot ng IRA sa mga probinsya, pati na din sa mga munisipyo at barangay ay sigurado, hindi katulad ng pork barrel, sapagkat ayon sa batas, ang IRA ay “automatically appropriated” at dahil sa pagkapanalo sa isang kaso sa Korte Supreme, ito din ngayon ay “automatically released”.

9. Anu-ano ang mga argumento ng mga kontra sa panukalang ito at ano ang sagot dito:

a. Ang laki at lawak ng probinsya ay ASSET at hindi LIABILITY. Ito ay nangangahulugan ng POLITICAL at ECONOMIC CLOUT sa kamay ng isang lider na masigasig at may bisyon at direksyon para sa tunay na kaunlaran ng buong lalawigan.

Sagot: Ito ang isa sa pinakamakitid na argumento sa pagsalungat sa pagkakaroon ng isa pang probinsya. Ang ipinakikita nito ay ang aktitud ng “mendicancy” o ang pagpapalimos mula sa pambansang pamahalaan. Gagamitin mo ang laki at ang dami ng iyong populasyon, pati na din ng botante bilang leverage para makahingi ng mas malaking pondo. Nasaan na ang aspeto ng paggamit ng sariling kakayanan upang mapaunlad ang sarili?

Ang nakakatakot pa, malaki nga ang maaaring pondo sa ilalim ng isang malaking probinsya subali’t doble tama nito sa mga taumbayan kapag ang napaluklok ang hindi mahusay at corrupt na gobernador. Mas maraming pondo para sa isang tiwaling gobyerno.

b. Ang umiiral na kalakaran ngayon ay ang pagsasama-sama o CONVERGENCE, hindi ang paghihiwa-hiwalay..

Sagot: Maari tayong sumang-ayon sa ganitong heneralisasyon. Subali’t sa bawa’t heneralisasyon, mayroong mga exception. Ang Quezon ay isa sa mga maituturing na exception. Paano natin maaasahan ang mas mahusay na pagdadala ng serbisyo kung 3-1/2 hanggang 4 na oras ang kelangan upang marating ang Lucena mula San Narciso? Isipin ninyo kung gaano ang guguguling oras, pera at panahon ng isang provincial agriculturist upang makapunta sa bawa’t bayan ng lalawigan ang makita ang kalagayan ng magsasaka doon?

Ang mga pagsama-sama na nangyari sa mga mauunlad na bansa ay pinangunahan ng mas mahusay na sistema ng transportasyon at komunikasyon. Madaling nakolekta ang mga buwis. Subali’t ang kasalukuyan pa ding estado ng ating transportasyon at komunikasyon ay malaking balakid sa maayos at tamang pangongolekta ng buwis, mahusay na pagsasaayos ng pamamahala at paghahatid ng mga serbisyo sa malaki nating probinsya.

c. Sa kasalukuyang takbo ng mundo na kung saan pinabilis at pinagaan na ng makabagong teknolohiya sa pamamagitan ng computer, mabilis na ang komunikasyon at wala nang saysay ang agwat at laki ng isang lugar.

Sagot: Kaugnay ito ng argumentong nauna. Paano po natin maaasahan na naka-internet na ang magsasaka sa kanugnug na barangay kung koryente pa nga lamang ay wala sila? Telepono pa?

d. Lolobo ang burukrasya dahil magiging doble ang empleyado ng pamaahalaang panlalawigan, doble ang layer ng red tapes sa mga tanggapan. Tiyak na taumbayan ang magpapasan ng dagdag gastusin.

Sagot: Ang dagdag-gastos ay isa sa mga bagay na talagang kinikilala natin noong umpisa pa man. Ito ay kasama sa itinuturing nating “birth pains” pero matapos mailuwal ang sanggol, ito ay sama-sama nating kakalingain para sa magandang kinabukasan.

Marami ng modelo ng pagtitipid sa gastusin ng isang lokal na pamahalaan na maaaring paghalawan ng tinatawag na “best practices”. Hindi tayo mag-uumpisa sa wala.

e. Walang “crown jewels” na maaaring ipagmalaki ang mga bayang nasa ika-3 at ika-4 na Distrito. Wala silang Lucban na puntahan ng turismo kapag Pahiyas, maunlad na ang mga bayan ng Tiaong, Sariyaya at ang syudad ng Lucena na pwedeng dagsain ng dayuhang kapital

Sagot: Kaya nga’t gagawa tayo ng isa pang probinsya upang ito ang magsimula ng sariling “crown jewels” ng Sur. Ilang taon ng paunlad nang paunlad ang mga natukoy na crown jewels ng Norte subali’t parang wala namang spill-over effect ito sa Sur. Panahon na talagang umasa sa sarili at huwag nang umasa na may aagos na biyaya mula sa pag-unlad ng crown jewels ng Norte.

f. Maraming mga probinsya ang nahati, kagaya ng Surigao del Norte at Surigao del Sur, Lanao del Norte at Lanao el Sur, Negros Occidenta at Negros Oriental na kabilang ngayon sa kategorya ng mga mahihirap na lalawigan ng buong bansa.

Sagot: Subali’t alam nyo ba na ang Batangas at Laguna, noong unang-unang panahon ay bahagi ng Quezon? Ngayon, sila ay higit na maunlad sa atin. Mahirap ding tahasang sabihin na dahil sa pagkakahati ng mga nabanggit na mahihirap ng probinsya ang dahilan kung bakit kasama sila sa kategorya ng mahihirap na lalawigan. May iba pang mga salik kagaya ng problema ng sedisyon mula sa ating mga Muslim na kapatid sa Mindanao kaya’t ang Lanao ay apektado. Ang Negros naman ay may problema pa din hinggil sa repormang agraryo. At kung hindi talaga tagumpay ang pagkakaroon ng bagong probinsya sa Surigao, bakit mayroon na namang Dinagat Island, ang bagong probinsyang ginawa mula sa Surigao del Norte?

g. Isang bilyong piso, humigit-kumulang ang real property tax na nakakalap ng buong probinsya. Wala ng magiging kabahagi nito ang Quezon del Sur.

Sagot: Batay sa datos na binigay ng Department of Finance, noong 2003, may maiiwang 11% mula sa mga buwis na kinikita ng buong probinsya sa mga bayang nasa Quezon del Sur. Kapag nanatili ang ganitong hatian, malinaw na P110 milyon kada taon na kabagi pa din ang mga bayan ng Quezon del Sur. Ito ay madadagdagan pa kapag umulad ang Quezon del Sur at tataas ang koleksyon ng amelyar. Kaya nga mababa ang kabahagi nito sa buwis ay dahil sa kahirapan ng buhay sa Sur.

h. Ayon kay Atty. Sonny Pulgar, ang mga polusyon ng power plant s ng Mauban (Quezon Power Plant) at Pagbilao (Team Energy) ay direktang nakakapekto sa mga bayan ng ika-4 na Distrito at sa Bondoc Peninsula. Hindi ba daw napakalaking anomalya na ang Norte ang nakikinabang at ang Sur ang magdaranas ng hirap? Paano na daw makakabahagi sa pakinabang ang Sur kapag ito ay humiwalay pa?

Sagot: Matagal ng naandyan ng mga plantang nagdudulot ng polusyon sa Sur subali’t may ginawa ba ang mga namumuno ng probinsya? May iba pang mga salik kung bakit mahirap magtulak ng ordinansang panlalawigan hinggil dito. Madali ding sabihin na ang ang polisiya sa enerhiya ay itinatakda sa national level. Ang solusyon ay dapat ipagbawal ang paggamit ng mga nakakalasong gatong para sa mga planta ng enerhiya, hindi ang pagpikit-mata sa polusyong dulot nila habang sila ay nagbabayad ng buwis. Kaya nga’t isa sa mga prinsipal na may akda ng Renewable Energy Bill si Cong. Tanada. Ito ay naglalayong magkaroon ng mga insentiba para sa mga “renewable energy” development na hindi nagdudulot ng polusyon sa ating kapaligiran. Dapat ay kaakibat na ng pambansang polisiya ang “polluters’ pay” principle na kung saan lahat ng mga industriya na naghahatid ng polusyon ay magbayad ng karampatan sa komunidad na naapektuhan nito.

i. Politikal at pangsariling interes lamang ang nagtutulak ng paghahati ng lalawigan.

Sagot: Malinaw simula pa ng umpisa ang hangad ng mga nagtulak ng batas na ito na mapaunlad ang buong probinsiya ng Quezon. Sana ay huwag ng gamitin ang paglalagay ng political agenda sa bawa’t panukala. Ang mga Tañada, Nantes, Suarez, Alcala, Pulgar, Talaga, etc. ay pawang “incidental” lamang sa usaping ito. Pag-usapan natin ang pagtatayo ng Quezon del Norte at Quezon del Sur nang mahinahon at ipaliwanag ang ating mga posisyon sa taumbayan na siya namang mapagpasya sa huli.

PAGSUSUMA

Sa kabuuan, mayroong matitibay na kadahilanan kung bakit noon pa man ay dapat naging batas na ang RA 9495:

Una, ang ating lalawigan ay napapag-iwanan na pagdating sa usapin ng kaunlaran. Malaki ang agwat ng pag-unlad ng mga bayang nasasakupan nito. Malaking salik dito ay ang lawak at laki ng lupain ng ating probinsiya at ng populasyon nito. Nagiging sagabal ang mga ito sa mabilis at epektibong serbisyo ng ating pamahalaan sapagkat mahirap ang pag-abot ng mga namumuno sa ilang bahagi ng probinsiya. Kung magbubuo tayo ng isa pang probinsiya mula sa ating kasalukuyang lalawigan, mababawasan ang bilang ng populasyon na kakailanganing abutin ng ating mga lider. Bukod pa dito, maaaring madagdagan ang mga resources ng ating lalawigan na mapakikinabangan ng mas maliit na populasyon.

Pangalawa, ang pagkakaroon ng bagong probinsiya ay magbubunga ng paglapit ng sentro ng pangasiwaan sa mga pinapangasiwaan. Mas mapapalapit ang proseso ng konsultasyon sa pagitan ng mga pamunuan ng probinsiya at ng mga tao. Kaya naman, mas magbubunga ito ng mas malawak na partisipasyon ng mga tao para sa kaunlaran ng ating probinsya.

Pangatlo, ang mga rekisito sa Local Government Code of 1991 ay kayang-kayang abutin ng ating probinsiya. Batay sa mga dokumento mula sa NSO, Department of Finance at iba pang ahensya ng pamahalaan, ang minimum na populasyon, kita at lawak ng lupain ay maibibigay ng bagong probinsiya na ating bubuuin.

§ Sa 2007 Census, ang pinagsamang populasyon ng ikatlo at ikaapat na distrito, ang magiging bagong Quezon del Sur, ay aabot sa 802,896. Ang una at ikalawang distrito, ang Quezon del Norte, ay aabot sa 843,814. ibig sabihin, kayang-kaya nito abutin ang rekisitong minimum na populasyon na 250,000 para sa isang probinsiya.

§ Ang rekisito naman para sa minimum na kita ng isang probinsiya ay P20 milyon. Batay sa ulat ng Department of Budget and Management, para sa taong 2008, ang ‘Quezon del Sur’ ay may kita na humigi’t kumulang P562 milyon. Ang ‘Quezon del Norte’ naman ay may kita na umabot ng P 684 milyon. First Class pa rin ang estado ng dalawang probinsiya.

§ Sa usapin naman ng lupain, ang ‘Quezon del Sur’ ay magkakaroon ng lupain na ang lawak ay 4,033 kilometro kuwadrado. Ang Quezon del Norte naman ay bubuo ng 4,892 kilometro kuwadrado. Muli, higit na higit pa ang sukat na ito sa minimum na rekisito ng Local Government Code na 2,000 kilometro kuwadrado.

Pang-apat, dahil may sarili ng Internal Revenue Allotment (IRA) ang ‘bagong’ probinsiya at may mas malapit pa itong kapitolyo, mas mapapadali at mapapahusay ang pagdadala ng serbisyo publiko sa mga tao. Ang mga na-devolve na serbisyo publiko, serbisyo sa agrikultura, pananaliksik sa industriya, pagpapatupad ng batas para sa pangangalaga ng kagubatan at iba pa ay maari nang maidulot sa mga taga-Quezon sa mas mabilis na pamamaraan.

Pang-lima, at higit sa lahat, sa kabuuan ay maaaring mas magiging mabilis at angkop ang anumang pag-unlad ng Quezon na nais ng mga mamamayan nito.

Panghuling pasubali: ang RA 9495 ay hindi garantiyang solusyon upang mapabilis ang pag-unlad ng ating lalawigan subali’t ito ay isang napakahalagang hakbangin patungo dito. Sa huli, ang kalidad ng mga pinunong ating iluluklok bilang gobernador, bise gobernador, mga bokal ng Quezon del Sur at Quezon del Norte ang siyang magiging mapagpasya ng ating kinabukasan. Piliin natin ang tapat, walang bahid ang pangalan, may maayos at malinis na tala ng paglilingkod sa bayan at kakayanan bilang ating mga tagapanglingkod. At higit na mas mahalaga ay ang mapagbantay na mamamayan na handang makilahok sa mga usaping pangkaunlaran ng komunidad at lalawigan. Ang mga mamamayang handang pumuna at magpahayag ng kanilang posisyon ang sa huli ay higit na kritikal na pangangailangan natin upang umunlad, hindi lamang ang ating lalawigan, kundi ang buong bansa.


[1] Ang Human Development Index ay isang pagsusukat ng kalagayan ng mga tao sa isang lugar na siyang dapat direktang nakikinabang sa kaunlaran. Ito ay kombinasyon ng life expectancy, literacy, educational attainment at GDP per capita o kita ng bawa’t tao. Sinasabing higit sinasalamin nito ang kalagayan ng mga mamamayan kumpara sa simpleng GNP o GDP lamang ang titingnan, o dili kaya ay ang lawak at kalidad lamang ng imprastruktura sa isang lugar.

[2] Simple poverty incidence – total poverty incidence of the area divided by the number of municipalities and cities

144 Responses

  1. Kailan po ba gaganapin ang plebiscite?

    • MGA KA-PROBINSYA!!!

      DEC. 13 PO ANG PLEBESITO. 7 am to 3pm lang ang botohan. If you are for bringing people closer to the government and the government closer to the people, go out and vote YES. YES to better governance and development. Huwag po nating aksayahin ang pagkakataong itong gumuhit ng bagong kasaysayan para sa ating lalawigan.

      Salamat po sa inyong lahat!

      Erin

  2. Nice analysis… Good points.

    But Quezonians must also read Atty. Sonny Pulgar’s view. It’s also worth reading.
    http://www.sonnypulgar.com/no-to-quezon-division/

    Hope voters will be guided and will decide based on these two analyses.

  3. isang napaka gandang pangyayari ang aking natuklasan sa aking mahal na lalawigan, sa aking pag alis sa dala ko ang kaisipan na hnd ako uunlad kong mamamalagi ako sa lalawigan na ito. kaya ako lumuwas ng maynila. at ngayon at d2 ako nagbabakasakali na umasinso. at ngayong nabasako ang panukalang ito ay natuwa ako sapagkat my natatanaw ako ng malaking pagbabago ang aking mahal na lalawigan ng quezon. naniniwala ako na mapapadali ang pag unlad ng quezon kung maisasagawa ang nasabing panukalang ito. hnd na kailangan lumuwas para hanapin sa maynila ang pag asinso ng isang taga quezon. sapagkat kung maisasagawa ang panukalang ito ay malaking ang pagbabago ng lalawiganfg ito. una magkakaron ng sariling pundo ang nasabing dalwang nadating lalawigan. d2 mapapabilis ang pag asinso ng dalawang lalawigan.

  4. sang ayon ako na hatiin pero kelan ba sisimulan ang plebiscite? sana matuloy this year or kahit sa early months ng 2009. College palang kasi ako pinaguusapan na yan eh ngaun may work na ako at di na rin ako sa quezon nakatira. Pero sang ayon parin ako dahil nasa gumaca quezon yung mga relatives ko.

    Please make it sure na matuloy cong. Erin Tañada..

    Good Luck!!

  5. hindi po sagot sa kahirapan ang paghahati sa ating lalawigan. bakit po hindi n’yo nalang pagtuunan ng pansin ang mas kapaki-pakinabang na serbisyo na tunay mararamdam ng taong bayan? igalang po sana natin ang kultura ng kasaysayan. kung sinasabi po ninyo na napagiiwanan na sa kaunlaran ang ating lalawigan, eh di po ba kayo ang dapat sisihin? tandaan po ninyo na ibang humatol ang kasaysayan. salamat po.

  6. salamat sa comment ka peewee. i respect your opinion. gusto ko pong alamin kung ako o ang lolo kong naging senador at ama ko na naging senador at congressman ang tinutukoy ninyong “dapat sisihin” kasama na din ako.

    nais ko pong ipaalam sa inyo ang naging katungkulan naming lahat bilang kinatawan ng ating lalawigan ay bilang mambabatas – legislator. hindi po kami executive. mas malaking papel sa lokal na kaunlaran ang nasa posisyong executive kaysa sa legislative. ang prinsipal naming mandato ay taga gawa ng batas, ang nasa executive po ang tagapagpatupad at tagapaglapat ng angkop na budget sa iba’t ibang lugar sa ating probinsya.

  7. ka erin, magandang araw po! nais ko lamang pong ipaalam sa inyo na noon pa man ay tutol na ako sa naisabatas na panukalang pag hahati ng ating lalawigan. sk chairman pa lang po ako ay tumutol na ako dito. nakakatuwa po at nabasa ninyo ang aking mensahe, paumanhin po kung nakaabala ako sa inyo. marami pong salamat congressman, ang akin pong tinutukoy ay ang mga nanungkulan sa ating lalawigan. naunawaan ko po ang inyong paliwanag. sana po ay lahat ng lingkod bayan ay katulad ninyo na may bukas na komunikasyon sa taong bayan. mabuhay po kayo at ang inyong pamilya. sana po ay magkaroon tayo ng malayang talakayan hinggil dito at sa iba pang programa ng inyong tanggapan.

  8. I am glad to know (through http://www.gmanews.tv) that after many years, the plebiscite for the division of Quezon in to two separate provinces will push through this October.

    I remember I was a high school student then when the talks about the division proliferated, and we were quite excited to see our town Gumaca becoming the new province’s capital. It has been a long journey, I am now a college educator in a prestigious university in Quezon City, the original author of the bill (RA9495) passed the crown to his son already, and I have seen a lot of changes in my hometown. Now, the dream is becoming a reality. And I am proud that I am one of those who dreamt for this to happen.

    On the other hand, I am quite disappointed with those who oppose the division, especially one of them is a distant relative, and another used to dream with us.

    I saw and read their points and somehow, they have valid reasons to oppose. Yes, it is very true that Quezon del Norte is far richer than its counterpart, it is closer to Manila, and therefore favorable to businessmen, festivals are more known than ours, etchetera. These people, if I may translate their points in my perception, are simply afraid of what lies ahead. Or maybe some hidden political agenda?

    I am not pro-Tanada or pro-Nantes/pro-Pulgar. I am pro-Quezon. Maawa po tayo sa mga kababayan natin na kapag may kailangan, bibiyahe pa ng napakalayo para lang makarating ng Lucena. Maawa po tayo sa mga bayan nating napag-iiwanan dahil mas prayoridad ng mga nakaupong opisyal ang magawan ng proyekto ang mga lungsod at malalaking bayan para magkaroon ng utang na loob ang mga tao na maaari nilang pakinabangan sa susunod na eleksyon. Maawa po tayo sa mga kababayan nating nasa liblib na lugar at hindi naaabot ng mga serbisyo ng pamahalaan sa kadahilanang malayo sa sentro ang kanilang pamayanan.

    Tingnan po sana natin sa mikroskopiyang pananaw ang panukalang batas. This is not about competing with the would-be Quezon del Norte. This is not about who’s more progressive and materially wealthy. The division of Quezon is about reaching the grassroots and making ways for them to be empowered and uplift themselves. By doing so, we can achieve progress, participative in every sense.

    As for those who oppose because they don’t want to alter history, history is dynamic. It changes everyday. And we should always be ready for changes. We should always look forward on how to foster development and not be locked with old systems and beliefs. Quoting Portuguese explorer Fernao de Magalhaes, “You cannot find new oceans unless you have the courage to lose sight of the shore.”

    God bless Quezon del Norte and Quezon del Sur.

  9. alam nyo po mr. dino saan po ba kayo nakakita na naging malakas ang isang hating bayan o lalawigan??? hindi ho bat magulo??? ang kailangan po natin ay mag sama sama at hindi ang mag hiwahiwalay hindi po sulusyon ang pag hahati ng quezon ang tanging sulusyon dyan ay nasa taong na nunungkulan sa kasalukuyan at suporta ng mamayan… mas magiging kaawa awa ang ang maliliit na taong bayan na hindi makiknabang sa mga pansarilng interes ng mga politikong nag susulong nito at kaya mo ito nasasabi marahil siguro nasa higher class society ka kaya ok lang sa’yo di tulad ng mga mahihirap na tao… Tama po ba??? ako po ay isang normal na mamamayan at marahil pag natuloy ang gusto nyo siguradong mararamdaman natin ang pag hihirap ng sinasabing Quezon delSur… salamat po…

  10. The fundamental class division in any society is not between rich and poor, or between farmers and city dwellers, but between tax payers and tax consumers. What we need to do is learn to work in the system, by which I mean that everybody, every team, every platform, every division, every component is there not for individual competitive profit or recognition, but for contribution to the system as a whole on a win-win basis. Remember this quote “TOGETHER WE STAND, DEVIDED WE FALL” it’s clear that when we are together, cooperating, giving true public service we will stand and every one of us will benefit farely and equally. In a family, there is always a jealous from it’s member, just because they don’t receive an equal benefit coming from their parent or elder, but the only solution to this is to acknowledge the needs of everyone, giving them attention and know what they want. If what they want is right, give it to them, but when it’s not for the good of all it should not be given. Ang kailangan natin ay ang isang pinunong may epektibong panunungkulan at may puso sa serbisyo, dedikado sa mamayan at tanging kapakanan lamang ng nakararami ang iniisip.

  11. alabalab, though I am a petty bourgeois, my orientation is proletariat. Bakit magiging magulo ang paghahati ng lalawigan? Unless may mga manggugulo. But I doubt it. Quezonians, whether Northerners or Southerners, are peace-loving people. Ok, let’s say you are in a family with 20 siblings. You are to get your share in a rectangular cake. Obviously you want to get the side part because it has more icing than any of the slices. But you found out that your kuyas and ates took it already, leaving you the middle part, the one with less icing. That’s what’s happening in our province now. Buo tayo pero ang nakikinabang lang sa may “icing” ay ang mga vote-rich towns na pinapaboran ng mga pulitiko. Ang tanong: may magagawa ba tayo para maalis ang mga pulitikong tulad nila? alam mo ba ang sagot? wala! kasi we’re just part of the minority, sila pa rin ang iboboto nung mga tao from vote-rich towns kasi napapakinabangan nila siya (the politician). So sa palagay mo, kapag nanatiling buo ang Quezon, mararamdaman mo na ang ginhawa? Kapag hinati ang Quezon, you will get 50% more chance to get the favorable slice of cake. The chances of electing unworthy officials will be decreased (do I have to explain why? logic tells us that they will be coming from QdelSur towns only, and therefore, we know them better, more or less, than candidates coming from the North). Businesses will now invest in QdelSur because they have to have a market there. Well, there are two sides of the coin, alam ko marami na namang magtataas ng kilay sa sinabi ko, but what we need is cooperation backed up by a good public official. Mindoro, Surigao and other provinces who underwent division were mentioned, highlighting the “failures” but they forgot some inspiring stories like that of Subic. From ashes, it emerged as a very progressive town. The reason behind its success is the cooperation of its citizens and the driving force that motivated them to rise like a phoenix. Pero kung pangungunahan natin ng mga negative thinkings and pessimism, it is doomed to fail. I really hope that I did not offend you. Let us try to think of the advantages and disadvantages of the division and from it, we decide kung saan tayo mas uunlad. I chose the former. Sana huwag tayong magpadala sa mga emosyon natin dahil hindi emosyon ang magpapatakbo ng ating lalawigan kundi matuwid na pag-iisip at tamang pangangatwiran (para sa lahat yun, alabalab) peace and padayon kapatid.

  12. pakibasa na lang ulit yung pagsusuma sa On Quezon del Sur (RA9495) sa taas, basahing mabuti yung panghuling pasubali, baka masagot ang inyong mga agam-agam…

  13. GINOONG DINO,

    MAGANDANG ARAW!

    SANA PO AY MAPA-GARALAN NINYONG MABUTI KUNG ANO ANG NANGYARI SA MGA LALAWIGAN NA HINATI. HALIMBAWA PO ANG DATING LALAWIGAN NG AMBOS CAMARINES NA NGAYON AY MGA LALAWIGAN NA NG CAMARINES NORTE AT CAMARINES SUR. ALIN PO BA ANG MAS MAUNLAD AT AT ALIN PO ANG NAPAKABAGAL NG PAGUNLAD? PAREHAS LUMIIT ANG LAND AREA NG 2 LALAWIGAN AT MAY MGA PAGKAKATAON NA NAKUHA NILA ANG ILANG EKTARYANG KALUPAAN NG LALAWIGAN NG QUEZON SA PAGHAHANGAD NILANG MULING LUMAKI ANG KANILANG LAND AREA SAPAGKAT ASSET PO ANG PAGKAKAROON NG MALAWAK NA LAND AREA GAYA NG LALAWIGAN NG QUEZON. TULAD PO NG LALAWIGAN NG PALAWAN, NAPAKAHABA PO NG LAND AREA NILA SUBALIT ITO AY MAAYOS NA NAPAGLILINGKURAN NG KANILANG MGA EPEKTIBONG LEADERS. MULI, HINDI PO NARARAPAT NA HATIIN ANG ATING LALAWIGAN. ANG KAILANGAN PO NATIN AY MGA LEADER NA MAY POLTICAL WILL AT POWER, MAY KATAPATAN, INTEGRIDAD AT VISION.

  14. Peewee, iginagalang ko ang opinyon mo at ang iyong posisyon sa paghahati ng lalawigan ng Quezon. Hindi ko na papatulan pa ang iyong mga punto sapagkat magkaiba ang ating pananaw. Kahit anong gawin ko ay alam kong sarado na ang iyong isip para tanggapin pa ang aking paliwanag. At alam mong ganoon din ako sa iyo. Ganun pa man, nais pa rin kitang paalalahan na sana ay sigurado ka sa mga binabanggit mong estadiska bago ka magbigay ng halimbawa. Pangalawa, sana ay hindi ka sugo ng kung sinu-sino na mahilig magbanggit ng mga pangalang may “hidden agenda” raw sa paghahati ng Quezon pero sila mismo ay may hidden agenda rin kung bakit ayaw hatiin. (If I were you, I’ll choose the lesser evil). Pangatlo, hindi lang epektibong lider ang kailangan natin. MAS KAILANGAN NATIN NG MGA MAMAMAYANG MAY POSITIBONG PANANAW AT HANDANG MAGLAAN NG PANAHON AT SERBISYO PARA SA MAS IKAUUNLAD NG LALAWIGAN. (tayo yun bilang mga mamamayan na hindi parang mga tangang iniaasa ang lahat sa balikat ng kanilang napiling pinuno kundi mga mamamayang may bahagi sa iisang layunin). At panghuli, sana ay hindi “all upper case letters” ang iyong gagamitin sa susunod dahil may mga implications ito sa nakakatanggap ng mensahe. Hindi naman mangmang ang iyong pinaparatingan ng mensahe para “isigaw” mo pa ito. Ang iyong lingkod ay isang edukador sa pangtersyaryang antas at pinuno ng kagawaran ng pangmadlang komunikasyon sa isang unibersidad sa National Capital Region at nag-aral ng masterado sa pamamahala ng komunikasyon na may lapit sa community development gayundin ng masterado sa Philippine Studies kaya lahat ng sinasabi ko dito ay may basehan. Salamat at sana ay maging positibo tayo.

  15. to kuya peewee and to you mr. dino,

    you both have different points of view regarding RA 9495, but you have also have in common, ANG PAG-UNLAD, para kayong asin sa lipunan, pampaalat tungo sa pagunlad, wala namang perpektong stratehiya para maganap ang pareho ninyong pinaglalaban ang tanging perpekto ay ang pagkakaroon ng mga kontra sa mga tuntunin ng inyong layunin upang sa gayun ay mas mapagaralang mabuti kung ano ang makabubuti sa lahat. “ISA LANG ANG HUHUSGA, ANG MAMAYAN NG LALAWIGAN NG QUEZON” Kahit anong dami ng inyong pinagsasabi, wala yang kwenta dahil dalawa lang ang pamimilian ng tao ang “OO” o “HINDI” na hatiin ang Quezon

  16. ako po ay isang mamayan ng isa sa medyo naghihirap na bayan, ang Pitogo. isa ako sa naghahangad ng kaunlaran sa ating lalawigan at lalo na sa aming bayan. simple lang ang buhay namin, isang kahig isang tuka. kaya ramdam ko ang paghihirap ng aming bayan. nang marinig ko ang paghahati ng Quezon ay parang may nakita akong panibagong liwanag na magbibigay daan sa hinahangad na pag-unlad. iyon talaga ang tunay na mararamdaman nang taong totoong naghihirap. sinubukan kong makinig sa dalawang magkasalungat na paninindigan. lahat, pagunlad ang kagustuhan. pero wala bang ibang paraan na mas epektibo at hindi hahantung sa paghahati ng Quezon kong minamahal???? pagnahati ba ang quezon ay may assurance ba kayo na uunlad ang mga bayan sa bundok peninsula??? o bka bumalik na naman tayo sa problema na kaya hindi umuunlad ay dahil sa mga politikong hindi marunong magmahal sa sariling bayan?? talaga bang ang sulosyun sa ugat na kahirapan ay paghahati??? ang problema natin at gustong malutas ay kahirapan….. at anu ba ang nagiging sanhi sa tingin nyo/ diba patuloy at patuloy na sinasabi nyo ay dahil sa mga

  17. (karugtong) WALNG PUSONG PULITIKO na nagpapahirap sa atin. paghinati ba ang quezon ay masasawata ba ang grft and corruption??? matatapos ba ang paghihirap ng aming bayan??? o babalik na naman tayo sa bagong problema??? hindi ba dapat ang pag-isipan natin ng solusyon ay ang tunay na ugat ng paghihirap… kahit hindi ko tingnan ang mga bilang upang masabing mali ang paghahati. sa simpleng pag-iisip lang ay wala akong makitang dahilan at pagiging solusyon ng batas na sa ating kahirapan.. pag nahati na ang Quezon ay andun pa rin ang problema. ang graft and corruption na tunay na nagdudulot ng kahirapan… Panawagan po sa mga taong gusto ng paghahati!!! ito ba talaga ang sulosyon? mga kababayan sa palagay ninyo ito nga ba??? PASENSYA NA PO NAGTATANONG LANG AT KAHIT KONTI AY NAGIISIP RIN!!!!!!!!! SALAMAT PO AND GOD BLESS US ALLL!!!!!!!!!!!!!!!!!!1

  18. henrich

    maraming salamat! godspeed!

  19. Kung bakit hindi tayo umuunlad ay hindi lamang dapat isisi sa mga pulitiko. Mas malaking sisi dapat ang ibunton sa mga mamamayang patuloy na iniaasa ang pag-unlad sa mga taong iniluluklok nila sa pwesto na daig pa si JuangTamad na naghihintay lang ng pagbagsak ng bayabas sa kanyang bibig upang may makain. Isang malaking kahangalan ng mga Pilipino ang nosyong ang lider ang tanging may responsibilidad sa lahat ng nangyayari sa kanilang bayan. Aminin na natin, kapag eleksyon, kapag tayo’y bumoboto, lagi nating iniisip kung ang kandidato ay may magagawa sa pag-unlad ng ating bayan, pero hindi natin naiisip kung ano ang kaya nating gawin bilang mamamayan. Ang lider ay isa lamang facilitator of development. Ang pag-unlad ay nakasalalay pa rin sa tao. Malaking factor ang pagkakaroon ng lider na tapat at hindi corrupt, pero mas malaki ang epekto ng mga ordinaryong mamamayang kumikilos para sa ikauunlad ng kanyang pamayanan. Hindi lider ang solusyon. Tayo ang solusyon. Mahati man ang lalawigan sa dalawa, still, the development of the province (or provinces) is in our hands.

  20. khathang,

    salamat sa paglahok mo sa mga diskusyon hinggil sa RA 9495. walang garantiya ng kaagad na pag-unlad ang pagkakaroon ng dalawang probinsya ng quezon. kagaya ng hindi ko kayang garantiyahan na giginhawa bukas ang iyong buhay, hindi ko kayang garantiyahan ang katiyakan ng pag-unlad.

    subali’t ako ay naniniwala na ang RA 9495 ay mahalagang hakbang upang makamtan natin ang pagkakaroon ng tinatawag na good governance – na ang namumuno ay napapalipit sa pinamumunuan.

    inaamin ko na ang susi pa rin ay ang matalinong pagpili ng taumbayan ng kanilang mga pinuno.

    pero kahit gaano kahusay ang namumuno, sobrang laki ng quezon at iba’t iba ang katingian ng mga bayan dito. mahirap itong pangasiwaan ng kahit na sinong well-intentioned leader.

    erin

  21. Bakit YES?

    Ang botong YES ay isang hakbang lamang…

    Hindi ito isang band-aid solution na pansamantalang tutugon sa mga hinaing ng mga mamamayan ng Lalawigan ng Quezon

    Hindi ito isang miracle drug na sa isang iglap ay magdudulot ng kaginhawahan at pag-unlad sa lahat

    Kung ganun..bakit YES?

    Dahil napapanahon na upang tumayo sa sarili nitong mga paa ang Ikatlo at Ikaapat na Distrito

    Napapanahon na upang mangibabaw ang boses ng mga mamamayang tila nakalimutan na ng ilang nagdaaang administrasyon

    OO, Ang pagsasarili ng Quezon del Sur ay hindi isang panandaliang gamot…

    Mahirap sa simula…maraming pagsubok na kakaharapin…nangangailangan ito ng sama-samang pagkilos at makabuluhang konsultasyon sa lahat …upang alamin ang pangangailangan at hinaing ng lahat ng sektor…dahil ang makikinabang naman nito ay ang lahat…ang lahat ng mamamayan..at ang lahat ng ating mga anak…at ang kanilang magiging anak

    Mahaba ang landas na tatahakin ng Quezon del Sur upang makamtan nito ang pinapangarap na kaunlaran…ang botong YES ay isang maliit na hakbang…subalit isang napapanahong hakbang…isang hakbang na naghuhudyat na handa na ang Ikatlo at Ikaapat na Distrito sa isang napakalaking hamon na kakaharapin nito

    Bakit nga ulit YES?

    Napakalaki ng Lalawigan ng Quezon…Isa ito sa pinakalamaking probinsya sa Pilipinas…Sa simpleng pananaw, kung mahahati ang Lalawigan ng Quezon,

    -Ilalapit ng Quezon del Sur ang pamahalaan sa mga mamamayan nito sa pagkakaroon ng sarili nitong Kapitolyo at mga Lider na kababayan nila, ka-distrito nila
    -Ilalapit ng Quezon del Sur ang iba pang sangay ng Pamahalaan na nagbibigay ng serbisyo sa mamamayan
    -Dahil konting bayan lamang ang masasakupan ng Quezon del Norte at Quezon del Sur, mas mabibigyan ng atensyon nito ang mga nasasakupan nilang Munisipalidad, anumang programa ay inaasahang pantay na maipapamahagi sa lahat ng bayan, walang naiiwan, walang nakakalimutan

    Kung YES ako, ibig bang sabihin hindi ako pabor sa napakalaking programa ng Pamahalaang Panlalawigan na magdudulot daw ng kaunlaran sa buong Quezon, kaya hindi raw napapanahon ang paghahating ito?

    -Hindi…dahil ang boto mo na YES ay nangangahulugan na pabor ka sa pag-unlad ng lahat, ng nakararami at hindi ng iilang bayan lamang.

    Dahil ang boto mong YES ay para sa isang Plano ng Pag-unlad na hindi ang mga bayan na malapit lamang sa Kapitolyo ang makikinabang

    Ang boto mong YES ay nakatuon sa isang Plano na kayang tumawid sa malayong Isla…at kayang umakyat sa malayo at mataas na barrio.

    Panahon na ba para sa paghahating ito?

    OO naman!
    Napapanahon na upang sabihin ng mga taga-Ikatlo at Ikaapat na Distrito na—

    KAMI NAMAN!

  22. STILL, WE SAY NO! TO DIVISION OF QUEZON PROVINCE. ANG BAYAN NG TAGKAWAYAN AY HINDI UMAASA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN PERO UMAANGAT AT RAMDAM NAMIN ANG KAUNLARAN DAHIL SA HUSAY NG MGA NAMUMUNO DITO. KUNG SINSABI NINYO NA NAPAG-IIWANAN KAYO EH SISISIHIN NYO MGA LIDER AT SARILI NYO. AYAW NAMING MADAMAY SA MGA NEGATIBONG MAGIGING EPEKTO NG PAGHAHATI SA LALAWIGAN NG QUEZON. ANO BA ANG KALAGAYAN NG PANDAIGDIGAN AT PAMBANSANG EKONOMIYA NGAYON? KAHI NAMAN SI KA ERIN EH NAGPASUBALI MISMO NA HINDI PARIN TIYAK NA UUNLAD ANG LALAWIAGAN KAPAG NAHATI ITO. ALALAHANIN NATIN NA NA NASA AGRICULTURAL SOUTH TAYO. SOBRANG LAKI NG LAND AREA NATIN? BAKIT? IAASA NALANG BA NG MGA KANAYUNAN NG PAGUNLAD NILA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN? MAY MGA PAG-AARAL RIN NA UNCONSTITUTIONAL ANG R.A. 9495. BAKIT? TRY TO FIND OUT! MULI KUNG RESPONSIBILIDAD ANG MAMUMUNO SA ISANG MALAKING PAMILYA AY HINDI MAGHIHIRAP ANG KANYANG MGA ANAK. KUNG NAGHIHIRAP BA ANG ISANG BAYAN E LAGI NALANG SISIHIN ANG PAMAHALAAN? NAKU PO RUDY!

  23. Peewee, nabangit mo na ang bayan ng Tagkawayan ay umangat ng hindi umasa sa Pamahalaang Panlalawigan pero sana alalahanin mo na isa sa panginahing dahilan ng pag-unlad na Tagkawayan ay ang kanyang pagkakahiwalay sa kanyang inang Bayan ng Guinayangan. Napakadali talagang mamahala at magpaunlad ng isang di kalakihang kumunidad.
    Kaya mararapat lamang na hatiin na ang ating lalawigan para ito ay mas maayos na mapangasiwaan at mabilis na mapaunlad.

  24. nasa tagkawayan pala ang magagaling na lider. maswerte ang quezon del sur, sa kanya mapupunta ang bayan ng tagkawayan. at least naresolve na ang isang problema – may magaling na lider na pwede mamuno sa quezon del sur. malay nyo, mas mapadali yung mahabang proseso ng pag-unlad with tagkawayanin officials around.

  25. ATE PIA AT SIR DINO

    TINATALAKAY PO NATIN ANG R.A. 9495 SUBALIT NAPANSIN PO BA NINYO ANG ILANG PROBISYON DITO? MISMONG ANG R.A. 9495 AY UNCONSTITUTIONAL. HINIHAMON KO PO KAYO NA MULING BASAHIN ANG BATAS NA ITO. AYOKO KO PONG MAGHINALA PERO ITO MARAHIL ANG DAHILAN KUNG BAKIT HINDI ITO PINIRMAHAN NG ATING PRESIDENTE. ATE PIA, PANGALAWA PO SA PINAKAMALAWAK NA LAND AREA ANG BAYAN NG TAGKAWAYAN SA BUONG LALAWIGAN AT TINITIYAK KO PO SA INYO NA HINDI PO ITO HADLANG SA MGA NAMUMUNO DITO.

    NAIS KO RIN PONG ITANONG SA INYO KUNG KAYO PO AY NAKONSULTA MAN LAMANG NG MGA PROMOTOR NG R.A. 9495?

    ISA PONG KARANGALAN PARA SAKIN ANG PAGKAKATAONG ITO NA TAYO PO AY NAGKAROON NG MALAWAK NA TALAKAYAN.

    MULI PO ANG AKING PAGHAMON NA SURIING MABUTI ANG MGA NILALAMAN NG R.A. 9495.

    PADAYON!

  26. hi peewee,

    Sa pinunto mo sa naunang post, gusto kong sabihin na ito ay waring pag-amin sa disadvantage ng isang malaking lalawigan. Ang iyong bayan ng Tagkawayan ay nasa pinakadulo ng Quezon, boundary na ng Camarines Sur, at iyong sinabi na naramdaman ninyo ang pag-unlad sa sarili nyong kakayahan nang hindi umasa sa provincial government. Ito ay isang manipestasyon na may mga bayan talagang nakakalimutan ng pamahalaang panlalawigan dahil sa dami ng bayang naghahati-hati sa kanyang atensyon. Ganun din kaming mga taga-Gumaca, napaangat din namin ang aming bayan mula 4th class patungong 2nd class. Subalit kahit anong angkin natin sa ating tagumpay, hindi pa rin maiaalis ang katotohanang tayo ay bahagi ng isang lalawigan, at hindi natin naramdaman ang kontribusyon ng pamahalaang panlalawigan sa tagumpay na ito.

    Bagamat nakabase ako sa Kamaynilaan, sinusundan ko ang development ng labang ito noon pa man. Sa aking pagkakatanda, nagkaroon ng konsultasyon na ginanap sa Gumaca, hindi ko na lang matandaan ang exact date, pero I remember medyo masama pa ang panahon noon. Naimbitahan noon ang iba’t ibang sector ng 3rd at 4th district gayundin ang mga mambabatas sa ibang lugar, at isa pa nga sa pinagtatalunan namin noon ng mga kasambahay kong Gumaqueno sa Maynila ay kung aling bayan ang gagawing kapitolyo: Lopez, Gumaca, o Catanauan. Hindi ako naging bahagi ng konsultasyon dahil ako’y nasa Maynila pero nagkaroon ng konsultasyon.

    Nakita mo ang Friendster account ko. Nakita ko rin ang sa ‘yo, at alam nating pareho na magkasangga tayo sa pakikibaka (hindi na nga lang ako aktibo matapos ang pag-aaral ko sa kolehiyo). Iisa ang ating layunin, ang pagsilbihan ang masa. Sa aking palagay, sa paghahati ng lalawigan, mas mailalapit sa masa ang mga serbisyo ng pamahalaan na dapat nitong ibigay sa kanyang mamamayan. Ayaw nating maulit ang mga halimbawang ating naibigay na halos itakwil natin ang pamahalaang panlalawigan dahil sa kawalan ng kontribusyon nito sa ating pag-unlad.

    Katulad ng sinabi ko na noon pa, binanggit din sa pasubali sa itaas, at paulit-ulit ding binabanggit dito ng mga pabor sa paghahati ng Quezon, hindi ito nangangahulugan ng instant na pag-unlad. Mahaba at mahirap ang landas na tatahakin natin bago natin makamit ang ating minimithi at ang paghahati ay ang unang hakbang pa lamang tungo sa daan ng pag-unlad.

    Padayon!

  27. Church leads bid to divide Quezon into 2

    By Delfin Mallari Jr.
    Southern Luzon Bureau
    First Posted 01:44:00 10/21/2008

    LUCENA CITY – The Catholic Church has taken the lead in a campaign to create a new province out of Quezon that faces a vote late in November.

    The proposal would divide Quezon province into Quezon del Sur and Quezon del Norte.

    Bishop Emilio Marquez has confessed that the idea originated from him out of compassion for poor residents from the 3rd and 4th districts of the province.

    In his homily at the St. Ferdinand Cathedral Sunday, the bishop said he first brought the proposal to former Quezon Rep. Wigberto Tañada sometime in the 1990s.

    “In my 17 years as bishop of Gumaca, I saw the poor and neglected conditions of the 3rd and 4th districts. I told Bobby (Tañada) to work for the division of the province,” Marquez said.

    Republic Act No. 9495 creating Quezon del Sur was originally filed by Representatives Tañada (4th District) and Rafael Nantes (1st District) in 1998.

    When Tañada made it to the Senate, the proposal was re-filed by Nantes with Representatives Lorenzo “Erin” Tañada III (4th District), Proceso Alcala (2nd District) and Danilo Suarez (3rd District) until its passage last year.

    Turnaround

    However, after being elected governor in the 2007 elections, Nantes made a turnaround and has now been publicly declaring his opposition to the division of the province on grounds that it will disrupt his general plans for the development of Quezon.

    Marquez called on his parishioners to vote in favor of creating Quezon del Sur in a plebiscite scheduled in late November.

    “Let us all vote. It is our obligation. But we should all vote in favor of creating a new province. Let us give the people of the 3rd and 4th districts a chance to stand on their own. That’s charity,” he said.

    Marquez also refuted claims by opponents of the division that no public hearing had been conducted.

    “It’s a lie,” he said.

    Marquez, former Gumaca bishop who ministered the affairs of the Catholic Church in the 4th and some parts of the 3rd district, said he remembered that on Oct. 28, 2000, one of the public hearings, which was attended by at least five congressmen, one of them from Mindanao, was held in a function room of the Gumaca bishop’s residence.

    New beginning

    “The idea of good government is to bring it closer to the people and this (creating Quezon del Sur) is the best way to do it,” Marquez said.

    Charismatic priest Fr. Joey Faller from Lucban town has also declared his support for the division of Quezon as it would be a “new beginning” for the poor people of the province.

    Infanta Catholic Bishop Rolando Tria Tirona, head of the prelature of Infanta in northern Quezon, is set to launch an information campaign on the division.

    source: http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/regions/view/20081021-167526/Church-leads-bid-to-divide-Quezon-into-2

    READ: THERE WAS A CONSULTATION AT THE SALA OF THEN GUMACA BISHOP EMILIO MARQUEZ

  28. Peewee,

    nakakagalak ang iyong kasigasigan sa pagbibigay ng mga punto tungkol sa R.A. 9495, kanya lang may nalilimutan ka yata na ang mga nagsulong ng batas na ito ay ang 4 na congressman ng quezon kasama ang ating gobernador ngayon na kung saan ay “BOSS” mo, kung may tingin ka na agenda ito ng mga politiko, di sana siya ang iyong unang tinanong…tama si Ka Dino, maging objective dapat tayo tungkol dito,,,hindi ba ang pangunahing tungkulin ng pamahalaan ay magbigay ng serbisyo sa mamamayan,,,ang pagkakaroon ng bagong lalalawigan ay malinaw na dadami ang tao na maglilingkod sa ating bayan sa lahat ng aspeto lalo na sa kabuhayan, kalusugan, edukasyon, inprastraktura at ibapa…mahusay ang namumuno sa tagkawayan, diba dapat paramihin ang katulad nila,,,paaano dadami kung hindi magkakaroon ng pagkakataon,,,hindi kb masaya kung ang mga taga tagkawayan ay makakatipid ng gastos sa pagaasikaso ng kanilang mga ariarian sa registry of deeds at sa lahat ng mga pamprobinsyang tanggapan sa Lucena na maidadagdag na sa kanilang ipon o kaya panggastos sa araw2? hindi lang sa ganda ng kalsada nakikita ang kaunlaran, mas masaya at kuntento ang mamamayan kung nadarama nila ito at nakikita sa pamamagitan ng mag serbisyong ibibigay natin sa kanila,,,,

    Marami salamat at welcome sa akin na tayo ay magkaron ng pormal na talakayan sa batas na ito…Taga guinayangan ako na siyang bayan na pinagmulan ng sinasabi mong maunlad na tagkawayan,,,

  29. sir dino

    salamat po. nais ko lamang po ipabatid sa inyo na ang mga naunang konsultasyon ay hindi na dapat pang pinagbasehan sapagkat marami na po ang nabago sa mga naunang panukalang batas hinggil dito, gayon pa man ay nais ko pong ibigay muli sa inyo ang mga katanungan tungkol sa legalidad ng RA 9495.

    hindi po ako abogado marahil ikaw po ay may alam sa batas sapagkat malawak na po ang iyong karanasan sa inyong larangan.

    kahit po sinong kapos sa pinagaralan ay maaaring maunawaan ang mga bagay na ito:

    REPUBLIC ACT NO. 9495 IS UNCONSTITUTIONAL.

    The law embraces more than one subject, in contravention of Section 26 (1) of Article VI of the Philippine Constitution. –

    12.01 The constitutional proscription against logrolling is clear:

    “Section 26. (1) Every bill passed by the Congress shall embrace only one subject which shall be expressed in the title thereof.”

    12.02 It is respectfully submitted that the above provision has not been complied with when RA 9495 was enacted. We explain:
    12.03 Section 1 of RA 9495 is deceptively simple:

    “SEC. 1. Title. – This Act shall be known as the “Charter of the Province of Quezon del Sur”.

    12.04 Hidden behind this plain title, however, are other agenda of the authors of RA 9495, as follows:

    13.01 The authors of RA 9495 did not only carve a Province of Quezon del Sur from the present Province of Quezon. They also constituted the remaining municipalities and cities of the present Province as another province and renamed the same as Quezon del Norte.

    “SEC. 2. Province of Quezon del Sur. – There is hereby created a new province from the present Province of Quezon to be known as the Province of Quezon del Sur, consisting of the municipalities of Agdangan, Buenavista, Catanauan, General Luna, Macalelon, Mulanay, Padre Burgos, Pitogo, San Andres, San Francisco. San Narciso, Unisan, Alabat, Atimonan, Calauag, Guinayangan, Gumaca, Lopez, Perez, Plaridel, Quezon and Tagkawayan. The mother province of Quezon, which is hereby renamed as Quezon del Norte, shall be composed of the municipalities of Burdeos, General Nakar, Infanta, Jomalig, Lucban, Mauban, Pagbilao, Panukulan, Patnanungan, Polillio, Real, Sampaloc, Tayabas, Candelaria, Dolores, San Antonio, Sariaya, Tiaong and Lucena City.”

    13.01.1 In effect, RA 9495 amended Rep. Act No. 14 which renamed the then Province of Tayabas after former President Manuel L. Quezon.

  30. sir dino

    hindi ko na po ilalahad ang iba pang mga puna sa RA 9495.

    kung inyo pong nanaisin ay maaari ko pong itong ipadala sa inyo.

    may nakahain narin pong petisyon ang SQPM sa supreme court at sa bandang huli po ay ang SC parin ang maaaring magdesisyon.

    hanggang sa muli po.

    salamat po sa tanggapan ni ka erin. mabuhay po kayo!

    padayon!

  31. magandang umaga! alam ko n marami nang mga puna patungkol sa paghahati ng Quezon at batid ko n may mga punto ang mga nakapost dito. Ang s akin lang bilang taga bondoc peninsula sa catanauan, sa isang maliit na brgy. Bolo, malaki ang epekto nito s mga mamayan sa amin. wala ng dapat pagtalunan pa, sapagkat alam nating lahat n s pulitika may kanya kanyang motibo yan. lalo n ang congressman n si danny suarez, isang matandang pilitikong trapo. Akalain mo ba naman n akuin nya yong credit, eh sa totoo lang ang author talaga nito ay ang dating bokal ATTY. ROSALES nakamatayan n nya nga ito.
    alam nyo po b dito s laguna, kung pag unlad super bilis nito.. pero s kabila nito may mga bayan pa rin n mahirap pero pinauunlad nila sa pamamagitan ng ecoturism at ibat ibang handcrafted decors at personal effects. eh sa 3rd district sa quezon, wala kang makikitang improvement lalo n s education at s rural areas. walang bagong school building, walang covered court, walang water works, at marami pang iba, ang tanong nasa san n ang PORK BARREL? alam nyo yung kalsada mula sa QNAS hanggang san narciso, na national project ni ERAP ay inako ng asawa ni suarez. kawawang catanauanin naambunan lang ng konting pera tuwang tuwa na, di nila alam mas malake ang nawawala sa kanila… alam nyo nasa tao n kung gusto mong umunlad, di na kailangan p ang tulong ng mga pulitiko. Kung gusto mong umunlad gagawa k ng paraan di tulad ng mga pulitiko ginagawan hanapbuhay ang pulitika… nasa sa tao na talaga!!!!

  32. ok lang peewee, naiintindihan ko na maaaring hindi nga dito ang tamang venue upang ilahad ang mga puntong sinasabi mo. pinoprotektahan ko rin kasi ang aking pribadong buhay kaya hindi ko maibibigay ang aking e-mail address. hindi naman ako ganun ka-ekperiyensyado, may konting alam lang base sa lapit at dalumat ng mga napag-aralan. salamat sa reply. padayon kapatid. muli, magkasama tayo sa iisang layunin, ngunit nagkaiba lang ang ating pamamaraan…

    flordeliza08, salamat sa paniniwala…

  33. Nais ko lamang ilahad para sa kaalaman ng lahat, ang RA 7160 o mas kilala sa tawag na Local Government Code. Ito po ang basehan sa paglikha ng bagong probinsya. Tingnan nga po natin kung may nalabag na batas dito sa paghahati ng Quezon:

    TITLE IV
    THE PROVINCE

    CHAPTER I
    Role and Creation of the Province

    Section 459. Role of the Province. – The province, composed of cluster of municipalities, or municipalities and component cities, and as a political and corporate unit of government, serves as dynamic mechanism for developmental processes and effective governance of local government units within its territorial jurisdiction.

    Section 460. Manner of Creation. – A province may be created, divided, merged, abolished, or its boundary substantially altered, only by an Act of Congress and subject to approval by a majority of the votes cast in a plebiscite to be conducted by the COMELEC in the local government unit or units directly affected. The plebiscite shall be held within one hundred twenty (120) days from the date of effectivity of said Act, unless otherwise provided therein.

    Section 461. Requisites for Creation.

    (a) A province may be created if it has an average annual income, as certified by the Department of Finance, of not less than Twenty million pesos (P20,000,000.00) based on 1991 constant prices and either of the following requisites:

    (i) a contiguous territory of at least two thousand (2,000) square kilometers, as certified by the Lands Management Bureau; or

    (ii) a population of not less than two hundred fifty thousand (250,000) inhabitants as certified by the National Statistics Office:

    Provided, That, the creation thereof shall not reduce the land area, population, and income of the original unit or units at the time of said creation to less than the minimum requirements prescribed herein.

    (b) The territory need not be contiguous if it comprise two (2) or more islands or is separated by a chartered city or cities which do not contribute to the income of the province.

    (c) The average annual income shall include the income accruing to the general fund, exclusive of special funds, trust funds, transfers and non-recurring income.

    Section 462. Existing Sub-Provinces. – Existing sub-provinces are hereby converted into regular provinces upon approval by a majority of the votes cast in a plebiscite to be held in the said subprovinces and the original provinces directly affected. The plebiscite shall be conducted by the COMELEC simultaneously with the national elections following the effectivity of this Code.

    The new legislative districts created as a result of such conversion shall continue to be represented in Congress by the duly-elected representatives of the original districts out of which said new provinces or districts were created until their own representatives shall have been elected in the next regular congressional elections and qualified.

    The incumbent elected officials of the said subprovinces converted into regular provinces shall continue to hold office until June 30, 1992. Any vacancy occurring in the offices occupied by said incumbent elected officials, or resulting from expiration of their terms of office in case of a negative vote in the plebiscite results, shall be filled by appointment by the President. The appointees shall hold office until their successors shall have been elected in the regular local elections following the plebiscite mentioned herein and qualified. After effectivity of such conversion, the President shall fill up the position of governor of the newly-created province through appointment if none has yet been appointed to the same as hereinbefore provided, and shall also appoint a vice-governor and the other members of the sangguniang panlalawigan, all of whom shall likewise hold office until their successors shall have been elected in the next regular local elections and qualified.

    All qualified appointive officials and employees in the career service of the said subprovinces at the time of their conversion into regular provinces shall continue in office in accordance with civil service law, rules and regulations.

  34. sir dino

    maraming salamat po!

    mabuhay ka!

  35. ma’am flordeliza

    magandang araw po!

    MAIS KO PONG IPABATID SA INYO NA MATAGAL KO NA PONG PINANININDIGAN ANG PAGTUTOL SA PAGHAHATI NG ATING LALAWIGAN. HIGH SCHOOL PA LAMANG PO AKO NOON AY MATINDI NA ANG AKING GINAGAWANG KAMPANYA KONTRA DITO.

    OPO. TOTOO NA “BOSS” KO ANG ATING PUNONG LALAWIGAN SUBALIT ITO PO AY NAGKATAON LAMANG AT TINITIYAK KO PO NA KUNG SIYA MAN AY SUMANGYON NGAYON SA PAGHAHATI NG ATING LALAWIGAN AY TULOY PARIN ANG AKING LABAN AT HANDA AKONG HARAPIN ANG BUNGA NG PANININIDIGANG ITO.

    GALIT NA GALIT PO TAYO SA MGA ILEGAL NA GAWAIN PERO PUNAHIN PO SANA NINYO ANG PAGIGING UNCONSTITUTIONAL NG R.A. 9495.

    PADAYON!

  36. Pewee,
    Walang permanente sa mundong ito kundi ang patuloy na pagbabago.Nais man natin o hindi ito ay nagaganap at patuloy na magaganap sa ating buhay bilang isang indibidwal o mga mamamayan.
    Ang layunin ng mga nagpanukala ng R.A.9485
    ay maiakma ang ating lalawigan sa mga kasalukuyang realidad na mahihirapan tayong baguhin kung hindi magkakaroon muna ng pagbabago sa kasalukuyang sistema na napatunayan ng hindi lubusang epektibo upang harapang labanan ang ating mga suliranin partikular ang laganap na kahirapan na pinalulubha ng patuloy na paglago ng populasyon na hindi na kayang matugunan naman ng patuloy na lumiliit nating yamang likas at ng limitadong kakayahan natin at ng ating pamahalaan ano man ang gawin nating pagsisikap,at maraming iba pang suliranin na titingkad kapag pormal ng sinimulan ang debate ukol dito.
    Malaya ang sinuman na kwestyunin sa Kataastaasang Hukuman ang legalidad ng nasabing batas sangayon sa teknikalidad nito ngunit naniniwala ako na mahihirapan ang sinuman na igupo ang intesyon nito na bigyan ng karapatan ang ating mga mamamayan na magpahayag ng saloobin ukol mas mataas nating karapatan sa sariling pagdetermina at paghabi ng sariling kapalaran.Sa ganitong kaisipan bakit hindi na lang natin hayaan na ang ating mga mamamayan bilang pinal na arbiter ng ating kapalaran ang humatol ukol dito yamang tayo naman ay magkakaisa sa paniniwala na ang boses ng ating mga mamamayan ang higit na makapangyayari?
    Ang kailangan lamang natin ay magkaroon tayo ng mahinahon,obhektiboat makatotohanang talakayan ukol dito na malaya sa anumang emosyon o interes maliban sa kagalingan ng ating mamamayan na nararapat magkamit ng matapat na pamahalaan na kakatawan sa ating layunin at mga pangarap.
    Matibay ang aking paniniwala na makakarating ang ating mga kalalawigan sa makatarungang pagpapasya pag dating ng takdang panahon dahil ngayon pa lamang ay may kagaya mo,ni Dino,ni Pia,ni Ian,ni Flordeliza at ng lahat sa pahinang ito na matapang na nagpapahayon ng kanilang saloobin,katanungan,agam agam at opinyon.
    Dito pa lang ay tiyak na masaya na ang lahat ng nagpanukala ng nasabing batas kasama sina Bishop Marquez,Ka Bobby ,Cong.Erin at lahat ng kalalawigan natin na nagmamahal sa pagbabago at kaunlaran.
    Syanga pala, huwag na nating hayaan na husgahan tayo ng kasaysayan,bagkus tayo ang gumawa ng ating kasaysayan.Huwag tayong matakot sa hinaharap na kaya nating baguhin.Ang katakutan natin ay ang nakalipas sa ating kasaysayan na wala na sa ating kapangyarihan na maimpluwensyahan.
    Alam mo pakiramdam ko pagdating ng takdang panahon..kasama ka din sa pagbabago..Kaya mo yan..kaya natin..kumusta at salamat!

  37. sir manny

    magandang araw po!

    maraming salamat po. ngunit, malaking salik parin po kung ano talaga ang layunin ng mga nagsusulong nito.

    “Ang layunin ng mga nagpanukala ng R.A.9485
    ay maiakma ang ating lalawigan sa mga kasalukuyang realidad na mahihirapan tayong baguhin kung hindi magkakaroon muna ng pagbabago sa kasalukuyang sistema na napatunayan ng hindi lubusang epektibo upang harapang labanan ang ating mga suliranin partikular ang laganap na kahirapan na pinalulubha ng patuloy na paglago ng populasyon na hindi na kayang matugunan naman ng patuloy na lumiliit nating yamang likas at ng limitadong kakayahan natin at ng ating pamahalaan ano man ang gawin nating pagsisikap,at maraming iba pang suliranin na titingkad kapag pormal ng sinimulan ang debate ukol dito” – sir manny butardo

    tama po na sistema ang dapat baguhin ngunit…. sino po ba ang nagsimula ng bulok na sistema? hindi po ba isa siya ngayon sa nagsusulong nito?
    siguro po ay alam po ninyo kung sino “ngani” ang tinutukoy ko.
    ako po ay isang kabataan, na may malawak ring kaisipan ngunit paano naman po kami mapapaniwala ng isa sa nagsusulong nito.

    muli po ay salamat!

  38. Pewee,

    kamusta? ang pakiusap ko lang ay sikapin natin ilayo ang R.A.9495 sa sinasabi mong taong nagsusulong nito na ngatataglay at nagtataguyod ng bulok na sestima, papano ang iba na matuwi at tapat ang hangarin na katuwang dito, alalahanin mo na hindi nya ito kayang mag-isa ipanalo kung hindi susuporta ang taong bayan, kasama ang simbahan at marami pang iba, ibig mo bang sabihin e trapo narin sila? nagkataon lamang na tumulong din siya,,,diba napaganda kung ang titingnan natin ay ang kaunlarang maiibigay nito sa mamamayan lalo na ang nasa sulok ng kanayunan,,,wag natin tingnan ang batas sa mga taong kuntra at pro, sa halip ay suportahan natin ang ating mga kababayan na nagsisikap na tumindig at ugitin ang sarili nilang buhay,,,kung may valid na rason sa batas na ito ay ating ihapag, ngunit hindi naman tama na kanya lang tayo kukuntra ay dahil may nakikisama na sa tingin mo ay tulad ng sinasabi mo kay Bokal Manny…sabi nga sa kasabihan..”wag tayong hihihip sa lusong, baka sa mukha natin ang saboy”…

    maraming salamat po Bokal Manny,,,

  39. ate flordeliza

    magandang hapon!

    “nagkataon lamang na tumulong din siya” ani ate flordeliza

    maraming salamat po at pareho tayo ng paniniwala sa puntong ito.

    ate, tama po kayo na masa ang huhusga sa bandang huli. kailan man po ay hindi natin maaaring ilayo ang katotohanan.

    padayon!

  40. BOKAL MANNY BUTARDO

    MAPAGPALAYANG GABI PO!

    TOTOO PO BA NA NAGPASA ANG SANGGUNIANG PANLALAWIGAN NG RESOLUSYONG TINUTUTULAN ANG PAGHAHATI SA ATING LALAWIGAN? KAYO PO AY TUTOL RIN?
    MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA PANINIWALA.

    MABUHAY PO KAYO!

    GOD BLESS!

  41. Totoo ba yung post ni Peewee? Kung totoo man yun, pasensya na po pero di ko maiwasan na sumama ang loob sa ating mga provincial legislators. Who are you para pangunahan ang kagustuhan ng mga tao? Kung kayo ay tutol sa paghahati ng lalawigan, ito ay personal n’yong paniniwala at maaaring hindi reflective sa tunay na gusto ng nakararami. Kayo ay inihalal ng taong bayan upang maging boses nila sa pamahalaang panlalawigan at hindi upang maging tuta ng kung sinu-sinong nakatikim lang ng kapangyarihan, mas maalam pa sa gusto ng taong sa kanya’y nagluklok. Paalala lang, demokrasya ang sinusunod nating uri ng pamamahala dito sa Pilipinas, at pinoproteksyunan ng ating konstitusyon ang interes ng mga tao. Hayaan nating ang plebesito ang magdesisyon kung ano ang gusto ng mas nakararaming Quezonians. Sa halip na pagpupursige ng pansariling paniniwala ukol sa paghahati ng lalawigan ang inyong inaatupag, bakit hindi kayo tumulong sa pamamahagi ng impormasyon ukol sa gagawing plebesito? Balita ko marami pa raw ang walang ideya sa kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw. (disclaimer lang, ito ay para sa sangguniang panlalawigan na nagpasa ng resolusyong tumututol sa paghahati ng Quezon, kung totoo man ang sinasabi ni Peewee sa itaas, at para na rin sa mga mayors na napabalitang nakipag-alyansa sa gobernador at bise-gobernador noong mga nakaraang buwan upang siguruhing mahaharang ang batas sa paghahati ng Quezon).

  42. PLEASE WATCH ABS-CBN NEWS CHANNEL ON NOVEMBER 11 @ 6:00 IN THE EVENING “THE EXPLAINER” HATI QUEZON DEBATE.

    THANK YOU!

  43. pewee & ka dino,

    Hindi po nagpasa ang sangguniang panlalawigan ng resolusyon kasi baliwala na po ito dahil batas na ang R.A. 9495, ikalawa ay marami din po ang pro-quezon del sur kaya ang nangyari ay ipahayag nalang ang kanilang paninindigan sa kani-kanilang mga distrito. kung sila ay pro dapat sumoporta sila sa mga mamamayan na nagsusulong nito at ganundin ang kung kontra…nagkaisa po ang sangguniang panlalawigan na magpadala ang request sa comelec upang itanong kung kailan lalabas ang resolusyon para sa calendar of activities…ang pagkakaalam ko ay pro si bokal manny, kasi binangit ni bishop marquez sa pagsasalita nya na sila na bokal manny at mayor salumbides III ang mga resource speakers sa kongreso at senado ng dinidinig ang batas na ito bago maging ganap na R.A 9495,,,wag ka mag-alala ka dino, tulad natin si bokal manny na may paninindigan, nananatili siya sa panig ng kaunlaran…

    mabuhay ang quezon del sur,,,” YES na YES” tayo sa plebesito…

  44. salamat flordeliza for the info. i believe he’s with us based sa post nya dito.

  45. whaaaaaaaaa kakahiya congressman nmin ay! walang maipaliwanag na maayos… di mo ba pinag aralan ung topic? kaw kc puro pambabae inaatupag.. kagabi habng pnpanood ko ung forum hiyang hiya ako sa sarili ko dapat tlga di n lng sya nagsalita halatang napaka BOBO nya, DAPAT C MALITE NANALO my UTAK KHIT WALANG PERA!!!.SHAME ON YOU TAÑADA!!

  46. Pewee,

    Siguro naman hindi ako ang tinutukoy mo….

  47. ARA of Lopez,

    mukhang iba ang pinanood o napanood mo, halatang personal ang iyong atake at hindi sa merito ng usapin ng pagbubuo ng quezon del sur, any way e mukhang namang di ka dapat patulan sa usapin, basta ako ay patuloy na naniniwala na mas makabubuti ang pagbubuo ng quezon del sur kumpara sa posisyon ng mga tumututol dito. hindi usapin ang personalidad sa quezon del sur, ang usapin ay ang kinabukasan ng taga quezon

    gem08

  48. Ara of Lopez,

    kakaawa ka naman, mukhang ikaw ang hindi nakakaunawa sa napanuod mo,,,di ba kung hindi pa nga sinasalo ng host na si Manolo Quezon ang ka debate ni Cong. Erin e d lalo syang napag-iwanan,,,may atake personal ka pa na panay pambababae ang inaatupag at mabuti pa si MALITE ang nanalo na matalino kahit mahirap,,,taga lopez ako at kilala ko si Bokal Malite, lagi ko nga siyang hinihintay na pumunta sa debate at forum noong kampanyahan na hinanda ng mga Kaparian, kaya lang bakit di sya lagi napunta, kung matalino sana sya tulad ng sabi mo dapat ay pumunta at nakikipagdebate sa isyu para malaman ng ating mga kababayan ang programa ng bawat isa,,,sana kung talagang taga lopez ka, magkaisa tayo sa hangaring paunlarin ang ating bayan,, tulungan natin ang tumutulong sa atin kahit na hindi natin sya kababayan,,,wag sana tayong tumulad sa iba na walang ‘UTANG NA LOOB” kaya hindi nagtatagumpay,,,,hindi ganyan ang diwa at damdamin ng isang tunay na taga-lopez…

  49. good evening!

    we are busy campaigning right now. sana maraming makilahok sa plebisito.

    SEE YOU IN COURT, QUEZON DEL SUR!

  50. Hi Pewee,

    We are also busy campaigning. As a matter of fact, Tatay is going to speak in Lucena and Lukban. Going to court is a defeatist position. Why are you afraid of the voice of the people. We are not. If we lose the vote, we accept it.

    YES WE CAN QUEZON DEL SUR!

  51. ka erin

    magandang hapon po.

    wala po ako kinatatakutan. ano man po ang mangyari o kalabasan ng gagawing plebisito ay kailangang tanggapin ng kahit na sino sapagkat ito po yong gusto ng nakararami. UNLIKE sa congress kung ang paguusapan ay ang impeachment ni pgma.hehehe.

    thank you.

    NO TO QUEZON DEL SUR!

  52. REPUBLIC ACT 9495 “AN ACT CREATING THE PROVINCE OF QUEZON DEL SUR”

    BAKIT PO HAHATIIN ANG LALAWIGAN NG QUEZON?

    BAKIT PO ANG ISANG BAGAY NA BUO AY BABA-AKIN PA?

    SA KASALUKUYAN AY MAY KAMPANYA AT KILUSAN NA HUMIHIKAYAT SA MGA BOTANTENG MAMAMAYAN SA BUONG LALAWIGAN NA LUMAHOK SA ISANG PLEBISITO NA SANGAYON SA COMELEC AY GAGAWIN SA IKA-13 NG DISYEMBRE 2008. MAY ILANG PULITIKO (SUAREZ AT TAÑADA) NA NANGUNGUNA SA KAMPANYA KASAMA ANG MGA PARI NG SIMBAHANG KATOLIKO UPANG BUMOTO NG “YES” PARA SA PAGHAHATI NG QUEZON. MAY MGA TAHIMIK LAMANG DAHIL SA SILA AY AYAW SA PANUKALA O HINDI NAIINTINDIHAN ANG ISYU.

    ANG DAHILAN DAW NG MGA “YES” SA PANUKALA AY UPANG MABIGYAN DAW NG PAGKAKATAON ANG MGA BAYAN SA IKA-3 AT IKA-4 NA DISTRITO NG QUEZON NA SIYANG MAGIGING QUEZON DEL SUR NA PLANOHIN ANG KANILANG KAUNLARAN. TO CHART ITS OWN COURSE OF DEVELOPMENT, SA DAHILANG PINABABAYAAN DAW NG PAMUAN NG PROBINSYA. MAS MAUNLAD NA DAW ANG MGA BAYAN SA IKA-1 AT IKA-2 DSTRITO NG QUEZON (QUEZON DEL NORTE) DAHIL DOON LANG NAKATUON ANG PANSN NG LALAWIGAN.

    PARA BANG SINISISI NG SIMBAHANG KATOLIKO AT NG ILANG PULITIKO ANG PAMUAN NG LALAWIGAN SA HINDI PAG-UNLAD NG MGA BAYAN SA QUEZON DEL SUR.

    SUBALIT ANG TANONG KO PO LAMANG AY GANITO? ANO PO BA ANG GINAGAWA NG MGA KINATAWAN NATIN SA KONGRESO AT NG ATING MGA PINUNO NG BAYAN AT HINDI NILA MAPAUNLAD ANG ATING BAYAN? SAAN PO NILA DINADALA ANG KANILANG “PORK BARREL” O CDF NA PARA SA KANILANG DISTRITO AT 2O% DEVELOPMENT FUND NG MGA MAYOR NA PARA SA KANILANG BAYAN? NASAAN PO BA SI ERIN TAÑADA NG 4TH DISTRICT AT DANNY SUAREZ NG 3RD DISTRICT NG QUEZON, AT NASAAN ANG MGA PUNONG BAYAN?

    KUNG TOTOO MAN PO NA NAPAG-IIWANAN NA SA KAUNLARAN ANG MGA BAYAN SA GAGAWING QUEZON DEL SUR AY SINO PO BA ANG DAPAT NA SISIHIN? YON PO BANG MGA BAGONG HALAL NA MGA PINUNO NG ATING LALAWIGAN O YONG MGA KINATAWAN NA MATAGAL NANG NASA PWESTO?

    BAKIT PO BA SA LALAWIGAN NG QUEZON LAMANG NATIN IAASA ANG ATING PAG-UNLAD?

    HINDI PO SOLUSYON ANG PAGHAHATI NG ATING LALAWIGAN UPANG UMUNLAD ANG MGA BAYAN SA QUEZON DEL SUR. ANG KAILANGAN PO AY PALITAN NA NATIN ANG MGA NAMUMUNO. PALITAN NA ANG MGA MAKALUMA AT TRADISYONAL NA PULITIKO (TRAPO).

    HUWAG PO NATING HATIIN ANG LALAWIGAN NG QUEZON – PALITAN NA LAMANG ANG MGA NAMUMUNO!

    SA AKIN PONG PANANAW, ANG PAGUNLAD NG ISANG BAYAN AY NAKASALALAY SA:

    1. STRATEGIC LOCATION – KAILANGAN NASA MAGANDANG LUGAR AT NADADAANAN NG NATIONAL HIGHWAY KATULAD NG TAGKAWAYAN. ACCESSIBILITY.

    2. MALAWAK NA KALUPAAN PARA SA AGRO-INDUSTRIAL PROJECTS.

    3. MALAKING POPULASYON, MARAMING PAARALAN (ELEMENTARYA, SEKUNDARYA AY KOLEHIYO.)

    4. HIGIT SA LAHAT, MAHUSAY NA MGA NAMUMUNO SA BAYAN. YONG MAGALING SA PAGPA-PLANO PARA SA KAUNLARAN, HINDI NAMUMULITIKA AT ANG SALAPI NG BAYAN AY GINAGASTOS SA TAMANG PARAAN.

    ANG BAYAN PO NG TAGKAWAYAN AY MAPALAD DAHIL NASA ATIN PO ANG LAHAT NG IYAN. MALAWAK ANG ATING KALUPAAN, MAY MALAKING POPULASYON, MAY RILES NG TREN, MAY QUIRINO HIGHWAY AT MAHUSAY ANG MGA NAMUMUNO. MAUNLAD TAYO AT HINDI NATIN INIASA SA PAMAHALAANG PANLALAWIGAN.

    TINGNAN PO NATIN ANG NANGYARI SA CAMARINES NORTE. TOTOO PO, SIMULA PO NANG HATIIN ANG KANILANG LALAWIGAN AY LUMIIT NGA ANG KANILANG LAND AREA AT NAGING MANAGEABLE, LUMAPIT SA KAPITOLYO ANG MGA BAYAN SUBALIT ANO PO ANG NANGYARI SA KARAMIHAN SA MGA BAYAN NITO? HINDI PO BA MAUNLAD PARIN ANG TAGKAWAYAN KUNG IHAHAMBING? SAMANTALA NASA KANILA NA LAHAT NG YAMAN, GINTO, KARAGATAN AT MAGANDANG LUPA.

    HINDI PO ANG LAWAK NG LAND AREA NG ISANG LALAWIGAN ANG DAPAT NA PAGUSAPAN. KUNG ANG ISANG LIDER PO AY EPEKTIBO, MAY POLITICAL WILL, MAY VISION AT HINDI NAMUMULITIKA AY UUNLAD ANG KANILANG LALAWIGAN. TULAD PO NG PALAWAN AT CEBU.

    GALIT NA GALIT PO TAYO SA MGA ILIGAL NA GAWAIN PERO HINDI NATIN ALAM NA ANG MISMONG BATAS NA MAGHAHATI SA ATING LALAWIGAN AY ILIGAL.

    SA NAKASAAD SA REPUBLIC ACT 7160 – LOCAL GOVERNMENT CODE OF 1991 AY IBINIGAY NA SA MGA LOCAL GOVERNMENT UNITS (MGA PROBINSYA, MGA CITY O CIUDAD, BAYAN AT BARANGAY) ANG LOCAL AUTONOMY O PAGSASARILI UPANG BAWAT LEVEL NG PAMAHALAAN AY KUMILOS UPANG PAUNLARIN ANG KANIYANG SARILING LUGAR. KUNG KAYA’T BAWAT ISA AY MAY KANIYA-KANIYANG KABAHAGI SA I.R.A. UPANG KANIYANG GASTUSIN. KAYA SA PALAGAY KO PO AY WALA NANG DAHILAN PARA IASA PA NATIN SA PROBINSYA ANG ATING PAG-UNLAD.

    HUWAG PO TAYONG UMIHIP SA LUSONG DAHIL BAKA SA MUKHA NATIN SUMABOY.

    “NO” PO TAYO SA PAGHAHATI NG QUEZON!!

  53. Ginoo at Ginang ng lalawigan ng Quezon ,

    Ang paghahati ng Quezon ay isa lamang political na pagmamani – obra ng iilang political family ng ating lalawigan. Bakit ? kung talagang pag unlad ng ating lalawigan ang kanilang iniisip . di sin sana ay isang taong walang political motive ang dapat mamuno ng transition gov’t . , habang di pa naka pag elect ng Gob. , kung halimbawang manalo ang yes sa ating pelibisito. Pero ngayon palang may iilang political family na ang lumolutang na hahawak ng puwesto ( ayon sa isang nalathala sa pahayagan ) .

    Kung talagang pag unlad ang iisip ng mga namumuno sa ating lalawigan , dpat silang mag isip ng magandang paraan na maging maganda ang maging buhay ng ating mga kababayan sa lalawigan ng quezon . kahit hindi na hatii ang Quezon. Lets think the future of our children .

  54. Mga Kalalawigan,

    Nag-post po ang aking tanggapan ng updated na “tanong at sagot” na naglalayong tugunan ang mga komentong nailathala dito sa blog na ito. May mga dagdag datos din po na sana ay pagtyagaan ninyong pag-aralan para sa isang mas masiglang talakayan.

    Salamat po!

    Erin

  55. To Joan, Russel, Pewee at mga Kalalawigan,

    maganda ang inyong mga punto at pagtingin hinggil sa usaping ito, pero nais ko lamang ipaabot na ang inyong nakikita, nararanasan, mga ideyal na kaisipan, mga ideyal na gustong mangyari at dapat na nagaganap sa ating lalawigan ay maaaring hindi nararanasan ng malawak at nakararami nating mga kababayan. ang pagnanais na matatag bilang isang bagong lalawigan ng quezon ay hindi lamang pangarap ng ilang pulitikong inyong tinutukoy, para sa inyong kaalaman hindi pa pumapasok sa pulitika ng ika-4 na distrito ng quezon ang mga tañada ay naipanukala na ito sa panahon pa ni Dating Gov. Robles at Gov. Rodriguez, subalit hindi nagkaroon ng katuparan. para sa inyong kaalaman, maging ang Polillo group of Island ay nagpanukala din na sila’y mawalay bilang isang sub-province kagaya ng aurora, danga’t walang seryosong pulitiko na nagsulong nito. ito’y nangangahulugan lamang na noon pa man ay mataas na ang pagnanais ng mga kalalawigan natin na mawalay at payagang magsarili. Marami na tayong karanasan na kung maliit ang pinangangasiwaan ay mabilis na nagiging pag-unlad, ang ating mga karatig na lalawigan sa CALABARZON area ay naranasan ang bagay na yan. ang aurora ng mawalay sa atin ay naranasan ang bagay na yan, ang marinduque na dating bahagi ng quezon ay naranasan ang bagay na yan, at wag nating tawaran ang camarines sur at norte ng sila ay mahati, sapagkat naramdaman din nila ang kaalwanan ng sila ay maitatag bilang mga lalawigan. ang usaping ito ay hindi teknikal, pulitikal o emosyunal na usapin, ang usaping ito ay usapin para sa kinabukasan ng mga susunod pang henerasyon. ang mga pulitiko sa likod ng usaping ito, tutol man o tagapagtaguyod ay mga instrumento lamang, lilipas din ang kanilang panahon pero ang pagiging quezonians, taga norte man o taga timog ay hindi mapaparam, mananatiling quezonians kahit sila’y mabuo bilang bagong lalawigan. sana ay wag tayong maging hadlang sa magandang hangarin para sa hinaharap na kinabukasan.

    mabuhay ang mga quezonians,
    mabuhay ang quezon del norte at quezon del sur.

  56. alam nyo habang binabasa ko lahat ng mga pag didipensa at pag tatalo dito about hati Quezon… duin ako sa NO!!! kase una paano tatayo ang sinasabi nyong Quezon del sur??? saan kukuha ng pondo para dito??? meron ba??? ang sabi eh pag nahati daw nag quezon ay makikihati ang Quezon del sur sa makukuhang Tax na galing sa mga power palnt under Quezon del norte wich is yung power plant sa pagbilao (hopewell ba yun?) and yung andun sa mauban… am i right??? pero ang alm ko rin about it is once na mahati na ang quezon wala na silang pakialam sa mga yun (power plnats) kase it’s under Quezon del norte na diba??? and bakit nyo ba pinag pipilitan na hatiin ang quezon ha??? sabi nung isa jn “to get a fair share” i thnk not… saka im damn sure na bago pa natin maramdaman ang pag unlad ng sinasabi nyo na Quezon del sur eh baka dedbols na tayo WALA pa ring nang yayari… bakit kase hindi na lang natin tigilan at hayaan na lang yung kung ano yung dati diba??? kawawang Manuel L. Quezon hahatiin sa 2 at kahit anong gawin kong pag iisip at sobrang nag iisip talaga ako kung ano ang magandang maidudulot ng pag hahati ng Quezon eh wala talaga akong mahanap and hindi ko magawang kumbinsihin ang aking sarili sa mga nababasa ko tungkol sa nag sasabi ng YES… cnxa na po tao lang na nag iisip ng mas mabuti sa aking inang bayan… mahal ko ang Quezon at sana kayo rin mahalin nyo rin ang Quezon! why don’t we give a chance to those who are in the position right now kase ang alam ko ginagawa naman nya lahat para sa Quezon eh… my mga projects and plans na naman diba??? o baka naman hindi nyo na lang nakikita??? bulag??? eh pano kaya kung yung isa ang nanalo bilang GOV.? may mag tutulak kaya na hatiin ang Quezon??? mmmmmmmmm….. ewan… basta isa lang ang masasabi ko about it… “hindi nakuha sa patas na laban kaya DITO idinaan” mag isip isip kawawa naman ang simpleng tao mga kuya…

  57. gems08

    hinahamon kita na mag-aral mabuti. magpunta sa mga lugar na binanggit mo gaya ng ginawa ko at babalik sa mukha mo ang mga mali mong pahayag.

  58. tanong ko lang po mga yes sana po walang halong pulitka kc lahat ng mga nbasa ko ang mga yes i puro pulitka, bakit po gnun…. qng mahati ba ang quezon pwede ba magkaroon ng maayos na pamamalakad.. tsaka isa pa diba tañada liberal at suarez kampi or what… bakit nagkaisa sa mga tao makakabasa sa comment q pag nahati ang quezon ung dalwang pamilya lang ang maglalabanan ng puwesto diba tama aq pati pari bakit gnun hati na nga ang diocesan dapat wala na silang pakialam…

  59. tsaka pareparehas lang ang layo… pollilo mas malayo pa nga kesa sa san francisco diba…..

  60. THANKS TO SUPREME COURT

    NO TO DE FACTO QUEZON DEL SUR!

  61. The Supreme Court of the Philippines okayed the plebiscite on December 13, but ordered to withhold the results. It should not be considered as ultimate victory by the NO camp as this is also reflective of the will of people like me who sided to YES. Isn’t it nice to note that the SC also recognizes the voice of the people by allowing the plebiscite? It’s the first step to realization of Quezon del Sur. Lucky you, NO camp because the SC still considers your petition in weighing things.

    Come to think of it, the NO camp is crying out loud because the former House Bill became a law without any opposition from their group. Or if there is any, they hardly made their presence felt. Now that it is a LAW, they want to stop it by citing technicalities. It makes my eyebrows cross. It will make sense if the petition seeking for TRO on QdelSur contains sensible reasons. But to rely on technicalities, specifically on terms and jargons, to oppose QdelSur, is the lowest form of fight. What’s in a name? I don’t care if my province will be renamed Aruray, Bangkekok, or whatever foul-smelling name our politicians can think of, as long as I can feel genuine progress in my place.

    You NO people always say that it is just gerrymandering of the politicos in this part of the province, but have you ever considered civilians like me who dreamed of the separation of the underdog districts from the main province? They (the politicians) are just incidental. Even if it’s not Erin, even if it’s not Danilo, Jayjay or the rest of the Suarezes, I, together with those who support Quezon del Sur, would still push for our “independence.”

    You criticize the churchmen for advocating the division, they are also citizens of this country, this province, and they have the right to voice out their opinions. They are eyewitnesses of the turtle-paced progress of Southern Quezon and they are credible people. Why criticize a person for voicing out what he thinks is true and will benefit the people? If that is the case, I, too, am doomed to be publicly criticized for airing my side.

    I grew up not in the town proper but in the boondocks. I am also an eyewitness to the poverty being experienced by my townsfolk. I saw how eight-year old children skip school just to help their parents produce copra. I saw mommies coming to our house crying, asking for some financial help because they have nothing to eat but young cassava leaves. I saw dads scouting the thickets for anything that can be sold to market just to augment their income during post coco harvest or after typhoons that affect their livelihood. Is this what you call progress? What did the provincial government do to uplift their condition? Nothing. Not even the previous executives of the town. And for the governor, we never saw him in person. We never felt their presence.

    Preventing or trying to prevent the plebiscite is tantamount to suppression of people’s voice. And the voice of the people is the voice of God.

    Let us give the southerners a chance to experience progress. YES to Quezon del Sur.

  62. gino at ginang ng lalawigan ng quezon .

    Ako bilang isang taga quezon ay nag hahangad din ng isang maunlad na lalawigan. Cong. Erin may mga tanong lang po ako sa inyo.

    1. Nag labas ang SC ng TRO hinggil sa Pag defer ng results sa ating Pelibisito, ano po ang susunod na hakbang ng mga nag susulong ng division ng quezon yes man o no votes. D b waste of money and time lang ang mangyayari ? Bakit po kaya hindi tayo mag file ng isang resolution na isabay na lang ating pelibisito sa 2010 election , sa gayon ay maka titipid ang ating national gov’t ng pera. .
    Katulad ng ginawqa sa american ( california ng mag pres. election sila , D b isnabay nila yong pelibiseto w/ regards sa same sexmariage . )

    2. Ako ay nag aral at lumaki sa bayan ng makati , kayo ang makapag sabi how makati city is sa mga improvement but nag karoon parin ito ng division . Tanong hindi po kaya isang political manuevers ng iilang politico ang paghahati ng quezon. halimbawa po kung mahahati ang quezon ay mag file naman sila sa congress ng isang batas na madagdagan ng isa pang congressional division ang ating probinsiya . what makes our kalalawigan a sure na hindi ganoon ang mangyayari sa quezon .

  63. Today is proper time for PROGRESS!!Hayaan na naman nating UMUNLAD ang IKA-APAT at IKATLONG DISTRITO ng QUEZON..As I noticed kasi para bang n Left Behind ang 3rd and 4th district..Mas magiging accessible ang lahat ng service na magmumula sa Gobyerno!!Tsaka mas magkakaroon ng FOCUS ang bagong magiging GObernador ng Bagong Probinsya!!

    As a youth, I think It was the time to GET INVOLVED with the ISSUE!..YES TO HATI QUEZON!!

  64. Cong. Erin Tañada,.

    Taos PUSO po ang aming Pagsuporta sa inyong mga pinaglalaban..!!!

    from,,
    Ligpit-Bantayan YOUTH
    Guinayangan, Quezon

  65. Hi to all who have been participating in this conversation. Sorry I have been silent for this past few days. My father and I have been campaigning YES in the province.

    To those who are still unaware… the SC issued a TRO… but it was not the kind of TRO that the petitioners were hoping. If you read their petitions, they were all asking for a TRO to be issued to stop the holding of the plebiscite. The SC issued a TRO restraining the COMELEC from proclaiming who won the plebiscite. Clearly, the petitioners did not get what they wanted. The plebiscite WILL BE HELD on Dec.13. It shows that it is a partial victory for US who are in favor of the holding of the plebiscite. We will know who will win in the plebiscite in our respective towns.

    It is not a waste of money because we will know the will and the voice of the people in the different towns. I am sure the SC will hear about this whoever wins… I am not speaking for the SC but who knows they may say that the petition becomes moot and academic whoever wins…

    A creation of a congressional district is based on a minimum number of registered voters. Right now, there is not enough registered voters to add another district. It may take another 10-20 years depending how fast the population of the two provinces grows.

  66. Pewee,

    Thanks to the SC the plebiscite is ON as schedule. Go out and vote YES on Dec. 13!

    YES WE CAN! YES TO QUEZON DEL SUR!

  67. Para malaman ang kasaysayan ng pagbubuo ng Quezon del Sur.

    1996 – unang beses hinain sa Mababang Kapulungan ni Cong. Bobby Tanada

    1998- pangalawang beses hinain sa Mababang Kapulungan ni Cong. Bobby Tanada at Cong Raffy Nantes. Pumasa sa Mababang Kapulungan pero hindi naaksyonan ng Senado dahil sa impeachment ni Pres. Erap.

    2001- pangatlong beses hinain sa Mababang Kapulungan. Isang panukalang Batas mula kay Cong Raffy Nantes. Isang panukalang batas mula kay Cong. Aleta Suarez. At isang panukalang batas mula kay Cong. Lu Yumul. Lahat para sa pagbubuo ng QUEZON DEL SUR.

    2004- pang-apat na beses na hinain sa Mababang Kapulungan ang QUEZON DEL SUR. Ngayon lang nagsamasama ang apat na Kinatawan sa isang panukalang batas— Cong Raffy Nantes, Cong Procy Alcala, Cong Danny Suarez at Cong Erin Tanada. Pumasa sa Mababang Kapulungan at Pumasa sa Senado. Naging ganap na batas noong Sept. 2007

  68. Correction re the creation of legislative districts…It is based on population and not registered voters.

  69. Cong. Erin ,

    Ayon po sa RA 9495 na sinasabi nyo n
    4 na congressman ng quezon ay nagsama-samang isulong na maging batas ito sa mababang kapulongan . Bakit po hindi nyo nakita sa isang probisyon ng batas na ito , na kailang pang maki bahagi ang quezon del sur sa kitang buwis ng quezon power ltd. at pagbilao power plan . Kung sinasabi ng nagsusulong ng YES n Mas makakaganda ang paghahati ng ating probinsiya .

    2. Ayon sa nag susulong ng YES . Bakit daw ang AURORA, BALER ay naging successful sa pag kakahiwalay nila sa ating probinsiya . DI PO BA AFTER 25 YEARS SAKA PALANG SILA NAGING SUCCESSFUL. .
    Pero that time po ay hindi masyadong mahirap ang pamumuhay not like today . Maskawawa po ang ating mga kalalawigan specially sa bundok peninsula. But not like sa inyong distrito na alam kung nabibigyan nyo sila tulong para sa kanilang pag unlad. Infact nga ang Guinyangan at Atimonan at ibang lugar sa 4th dist. ay mabilis ang pag unlad.

  70. 1.”Totoong may mga probinsyang higit ang lawak at populasyon kumpara sa ating lalawigan subali’t kaiba talaga ang katangian ng Quezon.

    * Ang Quezon Peninsula ang isa sa pinakamahabang probinsiya ng Pilipinas. Iba’t-iba ang topograpia ng mga bayang nakapaloob dito. May mga munisipyong nasa isla na nangangailangan ng espesyal na pangangalinga. Mayroong malapit sa bulubundukin, sa karagatan, bukod pa ang nasa kapatagan.”

    May napansin lang ako sa pahayag na ito. Quezon ba ang binabangit dito o ang ating bansang Pilipinas. Sinasabing hindi umuunlad ang Quezon dahil sa malaki ito, may mga bayan na nasa isla, ang mga bundok. Bakit hindi na rin natin hatiin ang buong Pilipinas?Kasi sa tingin ko kaparehas lang ng Quezon ang problema, kahirapan. Ang pag unlad ay wala sa laki o liit ng isang lalawigan o bayan. Nasa pinuno at sa mga mamayan ito. Hindi lang naman sa Governor( President) nakasalalay ang trabaho, kasama rin ang mga mayor at sangguniang panlalawigan at bayan( for sure hindi pa nababasa ang Local Government Code na kung susundin ay malaking tulong para umunlad). Paano uunlad ang Quezon kung pinapatakbo ito ng ilang pamilya. Maaring sasabihin nila na hindi naman kami nasa executive at nasa legislative lamang kami. Taga gawa batas. Ngunit alam naman natin sa pulitika sa ating bayan na bago ka manalong Congressman dapat hawak mo ang mga Mayor. Kung gusto mo talagang umuunlad ang iyong bayan, bakit hindi mo sabihan ang iyong mga kakamping mayor na gawin ang kanilang trabaho or else wala silang makukuhang tulong sa kampanya. Where there’s a will, there’s a way.

    2.”Paano po natin maaasahan na naka-internet na ang magsasaka sa kanugnug na barangay kung koryente pa nga lamang ay wala sila? Telepono pa?””

    Sa nakaraang US election, isa sa paborito kung phrase ay ” out of touch”. Nitong nakaraang undas, umuwi ako sa kinalakihan kung bayan, ang San Francisco( kilala sa tawag na Aurora). isa sa mga pinakadulong bayan sa Bondoc Peninsula. May napansin ako. Lahat ng tao may mga cellphone. Hindi lang ito yong mga taong taga bayan, ito yong mga taong galing linang. Sabi ng mga YES kung hahatiin ang Quezon, mapapalapit ang gobyerno sa tao at malalaman ang kanilang mga problema. These is a rhetoric. Wag na tayong mag lokohan pa, alam na ng bawat Pilipino ang problema. Ang masama ang mga leader pag nakikinig ng problema, pasok sa isang tenga labas kaagad sa kabilang tenga. Kahit ano pang sumbong at hingi ng tulong na mga tao kung hindi rin naman tutugunan. Wala ring mangyayari.

    Wala akong pinapanigang politiko. Gusto kung umunlad ang Quezon, sino bang may ayaw? Hindi ako tutol sa pag babago o pag hahati. Ang sa akin, napapanahon na ba ito? Kung sa pamilyang Pilipino, kanya na bang mag isa at humiwalay ng bunso ng pamilya? Sabi ng sa YES una itong hakbang para sa pag unlad. Ilang taon naman ang hihintayin bago maranasan ang pag unlad? 5 years, 10 years o 20 years? Kaya ba ng mga tao sa 3rd at 4th district ang transition sa panahong ito na bagsak ang ekonomiya ng mundo. At kung sasabihin ng YES na mararamdaman agad ang pag unlad. Isipin nyo muna na malapit na ang 2010. Ano bang meron sa 2010? Panahon ng election. Ayon sa Batas ng naghahati ng Quezon, ang unang governor at provincial officials ay appointed ng Presidente( Sino ba ang napipisil na iaapoint, inform nyo naman ako.(-_-) ). Ngayon ay 2008 na, almost 2009. Ano kaya ang kanilang gagawin pag ka upo sa pwesto? Syiempre mangampanya para sa 2010 election. Ano pa ang magagawa nila kung iba agad ang iniisip nila?(btw this is not an assumption, its a FACT of Philippine politics). Habang ang mga tao ay nag hihirap sa transition, ang mga leader, nag iipon na para sila ang first elected officials.
    Sa mga taga Quezon na boboto. Wag ninyong pakinggan ang sabi ni meyor,kong. gob. at mga pari at obispo. May mga sariling interest ang mga iyan( baka nga binibenta na tayo, hindi pa natin alam). Isipin ninyo ang iyong sarili at pamilya ninyo na siyang maaapektuhan. Dahil wala sa Supreme Court o kanino man ang mag tatakda kung gusto ng mga taga Quezon na hatiin ang ating lalawigan. Nasa kamay natin ito.

    * can someone from our 4 Hon. Congressmen proposed an amend to that provision in Local Govt. Code sec 46 which requires P20 million income to create a province. Its obsolete. The share of the province to be created can be covered with the IRA. Which is stupid. A province should be created based on their income not on dole out from National Govt. “Dura Lex, Sed Lex”/ the law may be harsh, but it is the law.

    Useless laws weaken necessary laws.

    – Charles de Secondat, Baron de Montesquieu

  71. Ay kung ang ipinangangalandakan po ninyo ay ang apat na kinatawan lamang natin sa Kongreso ang may kagagawan nito, nagkakamali po kayo. Matapos pong maihain ng kinatawan ang panukala, kailangan suriin ng Komite ng Lokal na Pamahalaan sa alinmang Kongreso (Senate o HOR) kung may sapat itong batayan, dumaan ba sa tamang proseso, naaayon ba ito sa saligang batas o anumang kaugnay na batas? Kung kinakailangang makipag-ugnayan sa Komite ng people’s participation para sa mga public hearings dito sa lalalwigan. Ito po dapat ang inerereport sa bayan. Eh kung ang atin pong katwiran ay ang pagtatayang ginagawa ng kongreso ang angkop na proseso kaya nga naipasa ito, dyan na naman po kayo nagkakamali, kayo nga po ang aming bantay upang tiyaking walang maniobra sa batas. Ang nangyari po yata, maging kayo ay walang posisyon sa kung ano ang iisipin ng isang prudenteng tao upang maniwala na ang RA 9495 nga ay hindi labag sa batas. Kahit papaano po ay hindi kayo dapat umasa sa hatol ng hukuman upang di sagutin ang inyong sariling pagtingin sa batas na ito. Mahirap pong pagpasyahin ang tao sa bagay na alam ninyo mismo na hindi makatwiran. Maaring magkamali ang tao sa kanyang pagpapasya kung ang pagbabatayan ay utang na loob at parokyal na kultura.

  72. Bilang panghuli po, sa larangan ng propaganda, gaano po pinag-isipan ang pagkabit ng bandera na lalapit ang kapitolyo sa bayan ng Padre Burgos at Agdangan, gayong sa katotohanan ay mas malapit namang hindi hamak ang Lucena kaysa Gumaca sa mga bayang ito. Kayo po ang mag-isip. Di po ba isang lantarang panloloko sa mga mamamayan ang hakbang na ito? Kapag bumoto sila ng yes, nangangahulugan ba yun na doon na sila makikipagkalakal sa Gumaca at hindi sa Lucena. Kung mananatiling sa Lucena pa rin nakakawing ang kanilang ekonomiya, ano ang maitutulong nito sa pagpapatatag ng Gumaca? Saan hahantong ang paghahati gayong ang tagumpay nito ay nakasalalay sa ekonomiyang basehan at hindi sa awa at panglilimos sa malacanang. Salamat po sa puwang. Mabuhay po kayo sapagkat alam kong naniniwala pa rin kayo sa prinsipyong liberal at demokratikong pag-usad ng sambayanan.

  73. Dino, ang pangalan, pamagat, at anumang may kinalaman dito ay bahagi ng “due process” at hindi ito basta-basta na kagaya ng maling grammar, syntax, at spelling. Kung ang isang pamagat ng aklat ay may mga katagang “Ang Lalawigan ng Quezon” tapos kapag binasa mo na ay naglalaman ito ng tungkol sa lalawigan ng Camarines Norte pala, isang panloloko ng may akda ang naganap. Maaari mong ihabla sa hukuman ang may kinalaman dito at papanagutin sa panloloko sa iyo. Hindi ito basta-basta.

  74. ahh bazta,,pag hindi lopez ang magiging kapitolyo wag nalang!!!!!

  75. Gandang Araw po!
    Pagbati ay kapayapaan !
    Sa lahat po ng taga lalawigan ng Quezon ang batas Ra 9495 ay naglalayon na makatulong at makabuo ng bagong probinsya na tutugon sa panganga-ilagan ng mamayan. Kaya Buksan po natin ang ating kaisipan isipin po natin ang knabukasan ng mamayan at lalong lalo na po ang mga kabataan .
    Unawain po natin ang RA 9495. Magkaroon po tayo healty Criticsm at isipin natin ang makakabuti sa kinabukasan.
    huwag po tayo basta humusga.
    Paalala lang po .
    Yes tau 🙂

    Yes
    ipaglaban ang tama . humusga ng tama.
    kaya mag yes na po tau.
    Ang karapatan po ng tao ang dapat na masunod .
    Kaya po dapat yes ang ating isulat .YeS. Dapat .

  76. Russel,

    1. Maliwanag yung provision ng buwis. Kung may facilities ang mga power plants na nakatayo sa Quezon del Sur, hindi ba karapat dapat lang bayaran ng power plants yung paggamit sa lupa ng Quezon del Sur. Nakasaad sa batas na dapat hindi sa porma ng “double taxation”.

    2. Hindi natin dapat tignan ang katagalan ng panahon bago maiging maunlad ang Aurora. Pero pinakita nila na kaya nila. Sa katunayan ang poverty incidence nila ay 18% ayon sa World Bank kung ikukumpera sa average ng Quezon del Sur na 47% at 34% sa Quezon del Norte. Sa tingin ko hindi naman aabot ng 30 years ang pag-unlad ng Quezon del Sur.

  77. tintin,

    hindi mo yata naunawaan ang aking punto. ang sinasabi ko lang, mas uunahin pa bang pagtalunan sa pagkakataong ito ang isyu ng mga pangalan kung mas mahalagang i-address ang isyu ng kahirapan at kabagalan ng pag-unlad? maaaring totoo ang iyong sinabi sa ilang puntong teknikal pero hindi naman ito bagay o imbensyong nasasakop ng Intellectual Property Rights o kahit ng Moral Rights. Sa halip, ang RA7160 o Local Government Code of 1991 ang batas na nagbibigay ng karapatan sa isang sanggunian, mapa-panlalawigan o panglunsod na baguhin ang pangalan ng government unit, mga kalye o mga gusali, paaralan, at hospital, pero siyempre kasama dyan ang konsultasyon sa National Historical Commission (kung di ako nagkakamali sa ahensya). Subalit katulad nga ng sabi ko, hindi ito ang mas mabigat na usapin kundi ang mga pinunto ko sa taas. Wag kang mag-alala, alam ko ang batas, at ang mga nabanggit ko sa naunang post ay pansarili kong opinyon lamang (pansinin ang gamit ng pronoun na “I”). By the way, hindi yata akma ang iyong halimbawa tungkol sa aklat na “Lalawigan ng Quezon” at Camarines Norte. Parang may mali lang sa analogy at logic ng bingay mong example.

  78. taga tiaong quezon del norte po ako,pabor po ako sa paghahati ng ating lallawigan.sana sa madaling panahon ay nasakutaparan na po e2,NAWA ANG POLITICAL WILL SA BANSANG E2 AY NAIPATUPAD. at d haluan ng pulitika..sana kayo ang maging gov.ng del sur..un mga taong NO TO HATI ay mga sarado ang utak..dapat maging hamon para sa ating taga quezon ang batas na e2..mawa makatulong ako sa nyo..e2 ang susi sa pag -unlad .salamat po sa hakbangin nyo…

  79. lets not be so selfish.. let us give the quezon del sur the chance to propel their current situation…
    lets give them the chance to curve their destiny…
    lets give them the chance to prove that they can lead their teritiory to prodperity and development…

    QUEZONIANS!!!!!!!

    SAY “YES” TO HATI QUEZON!!!!!!

  80. dino, res ipsa loquitor.
    gusto ko lang iparating na nawala ang iba ko pang kumento na parang sinadyang i-delete. gayunpaman, salamat na rin.

  81. dino, res ipsa loquitor.

  82. TAU GAMMA PHI are supporting NOT to Divide QUEZON. . . .hnd dhl sa brod nmin ang GOVERNOR kundi dhil AYAW nmn ng mga tntwag na TRAPO zah pmhalaan na lalong mgpapahirap sa mga nsa brgy. . . .HINDI hati ang solusyon kundi ang sulosyon eh ang MAGKAISA at MAGTULUNGAN para umunlad ang bwat ISA. . . .

    POLITICAL MOTIVATED lang yan at pabor lang yan sa mayayaman ang hati quezon. . .at para sa mahihirap eh lalo lang papahirapan. . .

    1st nd 2nd DISTRICT isang maunlad na distrito at may tamang pagkukunan ng buwis. . .

    3rd nd 4th DISTRICT isang distrito na walang pagkukunan ng tamang buwis. . .

    san cla kukuha ng pera para ipatayo ang sinsabing kapitolyo?. . .pangpasuweldo sa mga empleyado? pangbili ng mgha gagamitin sa kapito;yo?. . . . .ISANG KATARANTADUHAN lang yan HATI QUEZON na yan. . . .kubg ang mga SUAREZ ang nanalo nung 2007 election. . .PAPAYAG kaya cia hatiin?. . . PAmilyang TAnada simula po nung naging senador ang lolo mo at naging senador /cong ang tatay mo at ngaun eh ikw ang cong ng 4th district NASAN po ang sinsabi ninyong kaunlaran? ? ? ABER> > > TAPAT mins. . .TAlo Po Ang Tao sa ika apat na distrito . . . .HI> > >HELLO. . . .kaya po s darating na plebisito YES to NO at NO to YES. . . . .isulong natin ang paglaban sa mga taong hindi TUNAY na ngamamahal sa lalawigan. . .OUST ERIN AT SUAREZ FAMILY> > > >

  83. good day… just to show that i care for our province, i stand for a big NO for this coming dec 13 plebiscite..

    1. dividing quezon is not the solution for the problems… its a matter of PROPER ALLOCATION OF BUDGET. if we’ll observed, napakaunlad na ng Dist 1 & 2 so why not give much budget nalang for Dist. 3 & 4 para makasabay din sila sa pagunlad instead of saying na pag nahati, mas uunlad? or should I say, may budget but ibinubulsa lang? then what? In the long run, itong mga nagbubulsang ito ang sya ring maglalaban-laban for election in the future? come to think of it….

    2. are we sure that if quezon will be divided, do the interim body will function well? hindi kaya politically motivated lang ‘tong plebisitong ito for their own ambitions? suarez, & tañada regimen? or whoever people whose political ambitious is as worse as them….OUST these people!

    3. in case the YES group won, is there SUFFICIENT funds that will be allocated to Quezon del sur? especially to employees working under provincial? Hospital employees for examples, casuals, and the like…Don’t be so selfish not to consider these groups…

    4. FOR THE INTERIM BODY, if ever the yes group won…. hanggang saan ang functions or should i say kaya ng powers nila over their constituents? May malinaw na bang kasulatan regarding this matter?

    5. think…ilang lalawigan na ang mas nanggaling sa hirap but now napaka-unlad..sa CALABARZON nalang..dati QUEZON ANG PINAKAMAUNLAD but ngaun tayo ang humahabol sa kaunlaran ng mga kasamahan natin..Ang bumubuo ba sa CALABAR GROUP kinailangang maghati para ma-achieve nila ang kung anong kaunlaran meron sila ngayon? HINDI… kasi nagkaisa ang mga leaders at constituents nila para isulong ang mga projects na alam nilang makakabuti for them…

    MATAKOT… GISING QUEZONIANS…..say NO to HATI QUEZON!

    “UNITED WE STAND…DIVIDED WE FALL…” think deeply…say NO TO HATI QUEZON….

  84. 80% SA MAMAMAYAN NG ATING LALAWIGAN ANG HINDI NAKAKAUNAWA SA MGA NILALALAMAN NG REPUBLIC ACT 9495. MARAMI RIN ANG HINDI NAKAKAALAM SA MGA NAKATAGONG LAYUNIN NG ILAN SA MGA PROBISYON DITO. TABI PO!.

    MARAMI NARIN ANG NAKAKAALAM NA MAY PLEBISITO.

    SAMAKATUWID, PARANG GAMOT ANG RA 9495, HINDI NGA LANG ALAM KUNG PARA SAAN ANG GAMOT NA ITO AT KUNG ANO ANG LAMAN NG GAMOT NA ITO. RA 9495 ANG PANGALAN NG GAMOT.

    PAYONG KAPATID SA LAHAT, HUWAG TAYONG GAGAMIT O IINOM NG GAMOT NA ITO SAPAGKAT MARAMI ANG HINDI NAKAKAALAM SA LAMAN NITO.

    ANG RA 9495 AY ISANG LASON. “X” KAYA PO “X” NO! TAYO SA PAGHAHATI NG LALAWIGAN NG QUEZON

    TOGETHER WE STAND, DIVIDED WE FALL

  85. bakit po kaya di mo itanong kay gov. nantes ang nilalaman ng batas nayan? kase siya ang isa sa sumuporta dyan!. at sa isang banda di ikaw ang makapagsasabi na may mali sa probisyon nyan, supreme court na po siguro kase di lang naman isang mambabatas ang nagpasa nyan. now, may petisyon na po sa korte at di po naman pinatigil ang plebesito, so patunay na oobserbahan lang nang korte ang magiging tinig ng bayan, hindi ko po sinisiguro pero malamang pagkatapos ng election aalisin na po nito ang tro.
    HUWAG NATIN IPAGPALIT ANG KAUNLARAN NG MAMAMAYAN SA KAUNLARAN NG KASALUKUYANG PUNONG NANUNUNGKULAN SA ATING LALAWIGAN.
    YES PO TAYO!.

  86. matapos kung mabasa ang lahat ng opinyon ng maka NO at maka Yes. mas naging matimbang sa akin ang yes ito ay hindi dahil s magagaling ang depensa at opinyon ng mga yes kung hindi sa aking sarili mismo ay may sarili akong opinyon kung bakit yes.
    una. hindi darating s ganitong punto n kinakailangan pang hatiin ang quezon KUNG ang lahat ng bayan s quezon ay mauunlad kung naging patas ang pamamahagi ng mga pangunahing pangangailangan ng tao at ng bayan.. ibig sabihin nito totoo n talagang my mga bayan na naghihirap at karamihan nito ay nasa 3rd at 4th district.
    maraming taon n simula p nung madiskubre ang lalawigan ng quezon hanggang magkaroon ng mga pinuno s lalawigan. bakit magpahanggang ngayon eh walang pagunlad ang 3rd at 4th. ibig sabihin maraming taon n ang ginawang pagtitiis ang mga taga 3rd at 4th s hirap ng kanilang buhay at ng kanilang bayan.

  87. kung bakit ayaw ni gov. nantes na mahati ang quezon, dahil pang nanalo ang yes tapos ang career ni gov s kapitolyo. dahil s pagkakaalam ko. malaki ang boto n nakuha ni gov s ilang bayan s 4th district kung bakit sya ang nanalo. ngayon kung tuluyang mahati ang quezon. sa 1st at 2nd district n lang sya mangangampanya at kung lalabanan sya ni dating gov enverga huag lang syang gagamit ng pera sigurado ako n tapos ang career ni gov.

  88. kapag nahati ang quezon ang sinasabi ng iba n ang mga suarez ang mamumuno s bagong lalawigan.tandaan natin na ang ating bansa ay demokrasya. n ang ibig sabihin “nasa tao ang kapangyarihan” walang imposile na dumating ang panahon n suarez dybasty ang quezon del sur, KUNG nakikita naman ng mga tao ang kanyang paglilingkod para mapaunlad ang bawat bayan at ang buhay ng mga tao bakit ang hindi sya patuloy n manaitili s pwesto. PERO KUNG hindi naman nakikita ng tunay niyang paglilingkod para s bayan at pansariling kapakanan lang ang iniisip. maaaring dun matatapos ang career ng mga suarez. dahil nasa tao pa rin ang kapangyarihan.lalo n kung ang bagong lalawigan ay mabilis na uunlad kasabay din ang pagunlad ng mga tao magiging lalong matalino s pagpili ang mga tao s magiging leader ng lalalwigan.

  89. Bakit ganun parang sinabutahe n agad ang mga comments ko. nawala ung mga comments ko. cguro denilete n nung mga tao n ayaw mgapahati ng quezon… huag kayong ganyan. nakkita n agad s inyo ang pagiging makasarili. at gahaman. ayaw nyong tumangap ng pagkatalo…..

  90. kaya nating mga taga 3rd at 4th district n tumayo s sarili nating mga paa para mapaunlad ang bagong lalawigan.

  91. Gud eve po Cong. Erin,

    How true po na merong ibang nag susulong ng YES VOTE na may political interest . Tulad po ng isang politician sa isang bayan kaya siya pabor na mahati ang ating probinsiya ay dahil mas maliit ang kanyang pagkakampanyahan sa darating na 2010 election for Governor .

    How true din po na , may isang malaking pamilya ng politico ay nag patawag sa kanilang bayan para e companya ang YES VOTE !!! Pero ang masaklap po nito ay namamahagi na ng pera doon. Ang tanong po ng bayan ay saan galing ang perang pinamamahagi ng isang family politiciang ito.

    Ganitong klase po ba ng lider ng ating probinsiya ang dapat mag sulong ng paghahati sa quezon. Tunay pong pangsariling interest ang lumulutang na motibo kaya gusto nilang manalo ang YES .

    Tulad po ninyo gusto ko ring makita ang ating lalawigan na maunlad tulad ng LAGUNA at CAVITE , pero meron pong ibang politico na kanilang personal na interest ang priority nila , hindi ang ating mga kababayan.

    NO CHA-CHA !!!!

  92. Napakaraming tanong ditong pauilt-ulit lang na ipino-post at paulit-ulit ding ipinapaliwanag pero ipinagpipilitan pa rin ng ilang sarado ang utak. Pakibasa nga muna ang paliwanag sa simula ng page na ito gayundin ang mga naging komento at paliwanag sa mga replies bago paulit-ulit na itanong.

    Nagtataka lang ako kung bakit may mga galit sa mga nagsusulong ng batas. Hindi ako maka-Tanada at lalong hindi maka-Suarez pero hindi ko lang maintindihan kung ano ang nagawang mali ng aming Kongresman (Tanada) para itakwil ng ilang tao dito ang kanyang pamilya. Maaaring ang pamilya nga nila ang madalas humawak ng pwesto pero sa kanilang termino lang naman nakaramdam ng kaunting kaginhawahan ang 4th District ah. Mas magaling ba si Lavidez na pati ang waiting shed sa harap ng bahay namin na proyekto ng barangay ay papipinturahan ng pangalan nya kung di pa sinaway? Si Georgilou Yumul na ginamit ang ganda at karisma sa pakikipagsayawan sa mga baryo para makuha ang simpatya ng kabataan, na sa huli ay wala rin namang konkretong kontribusyon sa kaunlaran ng kanyang nasasakupan? Samatalang sa panahon ng mga Tanada napaganda ang seaport sa Atimonan na nagsisilbing pintuan ng mga taga-isla ng Alabat. Sa panahon nila tumaas ang antas ng mga bayan sa 4thD. Sa panahon nila pumasok ang mga kumpanyang sa Maynila at Lucena lang dati nakabase. Sa panahon nila nabigyan ng elektrisidad ang katabing barangay namin. Sa panahon nila umunlad ang turismo ng timog Quezon. Marami akong nakita, at maaaring ito ang dahilan kung bakit sila patuloy na pinagkakatiwalaan ng mga tao.

    Kung ayaw natin talaga sa kanila, tayo ang may kakayahang magluklok ng gusto nating maging kinatawan sa kapulungan. Huwag nating maliitin ang ating kakayanan. Kaya nating tumayo sa sariling paa. Kaya nating iangat ang ating antas. Kung kayong mga NO ay walang tiwala sa inyong sarili, huwag nyo nang ipagngalandakang bahag ang inyong mga buntot.

    Ako, sampu ng aking ama at mga kamag-anak at kabarangay ay nagmamalaking PABOR KAMI SA PAGHAHATI NG QUEZON.

    Kahit magastos sa gasolina ay uuwi ako upang ipahayag ang aking suporta sa December 13 at boboto ako ng YES TO QUEZON DEL SUR.

  93. no to quezon del sur

  94. Russel of Sampaloc,

    Hindi ko masasagot ang motives ng mga ibang tao na sumasama sa YES. Huwag natin tignan ang mga personalities. Nakakalungkot nga na na-politicize na masyado ang issue. Ang batas ay para sa kaunlaran pero dahil sa politics nawawala ang focus at objective.

    All I can say the people will elect leaders who they feel they need for Quezon del Sur and Quezon del Norte and throw out who they do not need like in Isabela. Let’s vote for HOPE AND CHANGE and not more of the same. VOTE YES WE CAN!

  95. Cong. Erin ,

    First hayan po ninyong batin ko kayo ng MABUHAY at ang 2nd district Congressman ng Quezon na si Cong. Procy for not signing sa manifesto of support sa isinusulong ng Palace na CHA-CHA . Ayon po sa isang artikolo kung na basa ay 3 lang na member ng mababang kapolonggan ang di nag sign ( tanada, abaya, alcala ) na nagmula sa southern tagalog. M ABUHAY PO KAYO !!!

    Mabalik po tayo sa tunay na issues ng ating probinsiya . Ako bilang isang taga Sampaloc Quezon , ay lumaki na hindi maganda ang aming kalsada , infact dumaan na sa pamamahala ni ATTY. Agnes Denavanadera ( na solicitor ngayon ) ay wala siyang nagawang paraan na mapaganda ang aming kalsada. pero sa panahon ng kasalukoyang Gobernador na noon ay isang kongresista ay nabigyan kami ng isang maayos na daraanan. Pero ito sa panahon na siya isa pang congressman . Ang tanong ko po ay ganito . Bakit po hindi kaya magtulong-tulong na lang ang kayong 4 na congressman na mapaunlad ang ating lalawigan ng hindi na kailangan pang hatiin ito.

    Di po ba kayo ay may mga pork barel , Tulad ng ginagawa ninyo sa kasalukoyan na binabahagi ninyo ang pork barel ninyo sa mga lugar na may pangangailangan sa distrito ninyo. Kung ang layunin ninyo talaga ay ang pag sulong ng ating lalawigan . Let our congressman do their job na mapa-unlad ang kani-kanilang district .

    Therefore let our Governor do his job for more improvement all over to our one not divided province of quezon . Base on our province IRA and others money generated incomes.

    Salamat at MABUHAY PO KAYO !!!!!!

    IBASURA PO NATIN ANG CHA-CHA NI GLORIA

  96. panoorin ninyo po ito.

    Sana po mag enjoy kayo.

  97. Yes Tayo!

    yan ang kailangan ng BAyan

  98. Hi Russel,

    Pork Barrel is not enough. 70 million for 10 towns and 442 barangays in my district is a drop in the bucket. Remember, the primary role of congressmen is to legislate and delivery of projects is secondary. As a matter fact, remember the debate to retain or not the pork barrel…Of course if I dance with GMA, I may get more. This I cannot do. My conscience will not allow it.

    The reason why we need RA9495 is to bring the provincial government closer to the people fpr better efficiency of government in addressing the needs of the people. Having one province doesn’t solve the problem.

    Ka Raffy is no superman and he will not be the governor forever. Winning Elections are not a sure thing…You may win or lose… After him, then what… When I filed this bill, I did not look to see who would be governor because it is irrelevant. We should build structures to bring government closer and not depend solely on leaders. Just think how much money our people from traveling from South Quezon to Lucena. Think how efficient government may be if the area a governor is governing is smaller than what it is now. Instead of one governor of 40 towns and 1 city, you will have one governor for 18 towns and 1 city and another governor for 22 towns. I cannot guarrantee 100% that it will work but if everyone works behind it, it will succeed.

    It turns out this campaign is a campaign of Hope and Change against Fear and “more of the same”. Sound familiar… think of our revolutionary leaders, think of EDSA 1, think of the US Bases…

    Thanks for your kind words on Chacha.

  99. RA 9495 AY ISANG BATAS NA MAGBIBIGAY NG TUNAY PANIBAGONG HOPE

    H – HEALTH
    O – OPPORTUNITIES
    P – PROGRESS
    E – EDUCATION

    Sa ating mga kababayan sa 3rd and 4th district , kung ito ay hindi pakikialaman ng nga politicong may pang sariling interest sa mga pananalapi at power ng ating probinsiya .

    During open forum sa Lucena nakita po ng tao kung ano talaga ang RA 9495 , ngunit hindi po nawawala ang personal na interest ni Cong . Danny
    dahil pinaulit -ulit niya yong madaragdag sa IRA ng probinsiya next year na umaabot sa 18%.

    Ganito po ang tanong ku, hindi po claro sa akin kung paano ang process ng intrem govt kung mananalo ang YES VOTE , Sino po talaga ang magloklok ng mga ito ang ating bang pangulo o yong sina sabi ni Cong. Danny na ADHOC committe .

    Ano po ang qualification , ito po ba ay galing sa mga politico o galing sa isang organization ng mga people organization , o sa isang bahagi ng mga abogado

  100. Russel,

    The ADHOC Committee or any organization may recommend to the President who to appoint as interim officials to help in the transition.

    The President may also refuse to appoint anyone and just leave the transition to the ADHOC Committee.

    The original bill did not have a provision on interim officials. This was included by the technical committee of the Committee on Local Gov’t based on previous creation bills the Committee handled.

  101. Sa una po ay ako ay nagpapasalamat dahil sa aking kaibigan ay nalaman ko ang site na ito..at nabasa ko ang mga sentimiento at saloobin ng ating mga kababayan sa paghahati na ating lalawigan..siguro nga po ay merong advntage at disadvantage itong paghahati na ito ng ating lalawigan pero mahati man o hindi ang ating lalawigan ay ang problema natin ay mananatili kung tayo mismo na taga quezon ay hindi natin aangkinin ang mga problem ng ating lalawigan kaparehas din ng bansa natin…kung hindi tayo kikilos walang pagbabago na magaganap tulungan natin ang mga namumuno na kagaya ng mga Tanada..hindi tayo dapat makuntento na sila ang namamahala at umasa na sila ang magbibigay ng pagbabago…hindi po sila dyos na kayang solusyunan lahat ang problema natin…mag halal tayo ng magaling at hindi kurakot na mamumuno satin at kumilos tayo para sa pagbabago…na gusto natin…hindi tayo puro salita at puro batikos….GUMAWA tayo kung gusto nating umunlad..at ilabas natin at gawin ang responsibilidad natin para sa ating Lipunan.COng. Erin Mabuhay ka!!!!

  102. Tama po ang Cong.erin masyado ng napoliticize na ito….at laging nababangit ang political agenda ng mga suarez…e si gov. nantes po ba na nagsusulong ng NO wala po ba syang political agenda kung bakit nya sinusulong ang NO? samantalang nung Congresman pa sya ay isa sya sa nagsulong ng Batas ng paghahati ng quezon….

  103. Kami po sa Macalelon ay Yes na Yes!!! Sa epektibong pamumuno ng mahal naming Mayora Waway Tan, sama-sama kaming boboto ng Yes!

    Panahon na para mapagtuunan ang mga atrasadong bayan sa Quezon!

    Panahon na para ilapit ang gobyerno sa tao!

    Panahon na para sa mas mabisang serbisyo publiko!

    Para kay Gob. Nantes, ang isang magaling na lider ay yaong marunong magparaya para sa kagalingang-bayan. Mag-iiwan ka ng magandang alaala kung ang isasaalang-alang mo ay ang kaunlaran ng bawat bayan sa Quezon. Iwasan mo ang tukso na maging mapagmahal sa kapangyarihan.

  104. Sa aking pagkaka-tanda, noong ako’y nag aaral pa sa aming pamantasan, isa si ginoong peewee bacuno mula sa tagkawayan sa mga unang lider estudyante na nanindigan para sa pagka-gobernador ng kanyang dini-dios na ka-brod na si G. Rafael P. Nantes.

    Isan rin siya sa mga tinuturing na traydor sa masang estudyante kung saan ay nakipag sabwatan sa administrasyon ni Gng. Cecilla Cascon (SLSU Pres.)

    Siya Rin ang tinutukoy ng iba pang lider estudyante na kapit tuko sa posisyon sa konseho ng mga mag-aaral
    para ma-proteksyunan ang kanyang local political agenda na sa kalaunan ay nagdulot ng pagka-basag ng hanay ng mga progresibong lider.

    Sa ganitong banda, paano natin paniniwalaan ang isang taong may kaduda-dudang kredibilidan at lantad na interes para sa KAPANGYARIHAN..

    Hindi ba’t GANID na matatawag ang ganitong katangian…?

    Ito’y isang tanong lamang na aking iniwan…

    nasa inyo kung nais ninyo itong patunayan…

    Saksi ang mga naging lider kabataan ng SLPC – Lucban at Tagkawayan…

  105. Best98….just want you to know that the 3rd and 4th district was the was the one responsible kung bakit nakupo ngayon si Nantes and he was he was also an LP and the Tanada was one of the foundation of that Political Party….so better watch your word if u dont know nothing……May nagawa ba yang sinabi mong Tau Gamma para umunlad ang probinsya?

  106. Whatever Happens……lets just work together!!!!!!!!!!!!!!!!!

  107. Para kay G. Nantes

    Ang isang hakabang ng pulitikong taong kagaya mo na pag-hadlang sa kaunlarang hangad ng isang bahagi ng ating lalawigan ay maituturing na isang political suicide,,,

    magwagi ka man dito ay hindi mo maikakaila na nalalapit na ang 2010.

    malaking paktor sa pagpapanalo sa isang manunungkulan ang sympathy votes na mawawala sayo.

    alam ng tao kung gaano ka kalakas, pera, makinarya, etchetera…

    ngunit ang iyong pagtindig sa negatibong panig ng isyu ay nagpapakita lamang na ikaw ay isang duwag na tila nababahag ang buntot maisip mo pa lamang na liliit ang iyong mundo pagsapit ng 2010.

    alam din ng tao na wala kang binatbat sa mga pamilyang Talaga at Alcala kaya pinipilit mong isaksak ang iyong sarili sa Lucena…

    maalala ko nga pala, hindi bat sa sarili mong bayan ay isinusuka ka???

  108. MGA KAIBIGAN…

    BAT PURO PAULIT ULIT ANG MGA TANONG AT SAGOT…?

    PWEDE BANG DIRETSAHAN NA AT WALA NG PA KYEME KYEME PA?

    NAHIHIRAPAN NA SI JUAN SIPAG NA MAGBASA DAHIL PINAPAULIT ULIT ANG TANONG….

    ANG PUNTO KO ETO……

    *UNCONSTITUTIONAL DAW ANG RA 9495…. BAKIT NAIPASA NA MAGING BATAS?

    *BAKIT PAULIT ULIT ANG KAIBIGAN KONG SI PEEWEE NA SA MGA SINASABI NYA NA NAKAKASAWA…. (DAHIL BA PAG NANALO NA HATIIN ANG QUEZON AY MAWALAN NG TRABAHO ANG KAIBIGAN KO DAHIL NASA 4TH DISTRICT SYA?, )……
    *KAIBIGAN KONG PEEWEE, BAKIT GANOON? KAILANGAN NATING MAPAUNLAD ANG LALAWIGAN NATIN HINDI PARA SA INTRES NG ILAN KUNG HINDI INTRES NG NAKARARAMING KABABAYAN NA HINDI MAKATIKIM NG KAUNLARAN DAHIL NAKA POKUS ANG IBANG PINUNO SA MGA LUGR NA MARAMING BOTANTE…

    WAG TAYONG MAG TANGA TAGNAHAN DAHIL YUN ANG REALIDAD….

    LAHAT AY MAY PUNTO…. MAGING YES OR NO….

    MGA KAIBIGAN… ANG PAG UNLAD AY MAY KASAMANG PAG SASAKRIPISYO…. MAY RA9485 TAYO PAKIBASA PO SA MGA HINDI NAKAKAALAM.. SEARCH NO NALANG PO ITO….

    KA ERIN…. DIBA ANG LMABAG SA BATAS AY PINAPARUSAHAN..? ANG LUMABAG SA KONSTITUSTON NG PILIPINAS AY PINAPARUSAHAN…?

    KUNG NAGING UNCONSTITUTIONAL ITO.. WARI KO NAMAN AY MALALAMAN NG MGA GUMAGAWA NG BATAS NA ITO AY MALI AT DAPAT NA NOON PA MAN AY NHINDI NA ITO NA APROBAHAN SA KONGRESO…..

    GOV NANTES….
    SAYANG LANG PALA ANG BOTO KO SAYO BILANG GOBERNADOR NA ATING LALAWIGAN KUNG WALA KANG &%*^ NA NILABON, DAHIL ISA KA SA SUMUPORTA DITO.. TAPOS NGAYONG GOBERNADOR KA NA HINDI MO TATAYUAN ANG MGA PINAG GAGAWA MO NOON..?
    ANG TANONG.. NAGING SAKIM BA O NAGING MAS MATALINO KA NGAYON KAYA HINDI KA NA PUMAPAYAG NA ATIIN ANG LALAWIGAN…?

    ANG REALIDAD AY LAHAT MAY INTRES NA HATIIN ANG LALAWIGAN NG QUEZON..

    PERO SANA NAMAN ANG INTRES NA YAN AY UNG IKAUUNLAD NG ATING LALAWIGAN………

    AT HINDI IKA UUNLAD NG BULSA NG ATING IBANG KAIBIGAN

    SALAMAT….

  109. isa lng aqng estudyante ng maryhill college fromthe city of lucena, 3rd yr highschool lng ako but i’m aware of this issue kc we are the next generation for the future.
    for me??
    why not YES??
    hndi nmn cguro ito papaboran ni bishop Emilio Z. MArquez if ndi ito mkkabuti pra sa lalawigan ng Quezon ndi ba??
    at di ba c Gov. Nantes din ang isa sa mga co-authors ng RA. 9495!? when he was still a congressman?? pero bket ngaung governor na siya?? he refused?? DAHIL BA LILIIT ANG INCOME NIYA??
    yan ang taong SAKIM at GAHAMAN..
    pero kung sa panig niya na unfair ito, dahil kung bakit ngayong gobernador na siya tska lng toh na-apruban at hndi nung congressman pa siya??
    GOVERNOR ABA.. KUNG ISA KANG MABUTI O MGANDANG OPISYAL NG QUEZON KAHIT ANO PANG PWESTO MO, PAPAYAG KA! KUNG LAYUNIN MO TLAGANG MKATULONG SA HUMIGIT KUMULANG NA 40 NA BAYAN ANG HNDI MAUNLAD! AT HNDI UNG UUPO KA LNG, AT MGPAPAYAMAN!..
    cguro nga mautak ka, dahil yaw mong mgkaroon ng pwesto ang panig ni Suarez??
    pero kung mabuti ang ugali mo, hndi mo pgraramutan ang kbilang panig. na mkapgbigay ng tulong sa ibang bayan., balita ko pa, namimigay ka daw ng pera at pgkain sa ibang brangay dto sa lucena?? JUST TO VOTE NO!? how dare u..

    but definitely, ayoko ring mghati ang quezon., dhil kung ggstohin tlga nting umnlad, kya ntin to, ngunit pano kung ang pondo ay ibinubulsa na ng opisyaL??
    huwag hatiin ang quezon.!

    IMPEACHMENT NLNG!!!!!!

    aware lng ako sa issue na toh. wla sanang ma-oofend. respect me nlng..
    QUEZONIANS ako. and i have the right to speak what’s my opinion.,

  110. para kay juan,

    hayaan na natin yang si ginoong bacuno, sarado na ang kanyang isip at wala na yang ibang maibubulalas kundi mga negatibong pahayag hinggil sa usapin.

    una, bagitong SK pa lang sya noon gaya ng kanyang sinasabi ay wala na syang sariling diskarte at umaasa lamang sa pag-timon ng kanyang kapitan.

    pangalawa, nang mag kolehiyo ay isa siya sa mga unang estudyanteng nangarap manungkulan at para sa iyong kaalaman ay may PINAKAMAHABANG termino na ginugol sa SLPC-Tagkawayan na sa kalaunan ay tinalo via landslide victory dahi isinusuka na ng kapwa mag-aaral.

    pangatlo, sa masang estudyante ay naipakita nito na posible palang mag ensayo sa pagiging TRAPO habang ang isang lider ay nasa loob pa ng pamantasan.

    ikaapat, paano natin pagtitiwalaan ang isang lider na hindi marunong mag taya para sa isang konkretong pagsusuri sa konkretong kalagayan ng kanyang sariling bayan.

    ikalima, hindi ba’t TRAPOng matatawag ang isang lider na may limang mukha gaya ng isang balimbing???? natatandaan ko pa noon na panay ang lapit nya sa dating bise -gobernador suarez para sa mga proyekto kuno, na hindi ipinagdamot sa kanya.

    sinasabing walang permanenteng politikal na ka-alyado kundi ang sarili…

    subalit mas kinagigiliwan natin ang mga lider na likas ang katapatan sa kaibigan…

    naaalala ko pa noong si pangulong estrada ay patalsikin sa malakanyang, ni hindi sumagi sa isipan ni senador angara na siya ay iwanan.

    samantala, si dating gob. bong revilla na inaanak pa naman ay isa sa mga unang nag-hugas kamay.

    ganito ang aking punto, hindi ko saklaw ang kay g. bacuno dahil kahi ano pa ang sabihin ko, ang kanyang isip ay kinapitan na ng talaba atnaging sing tigas at sarado na…

  111. Hehehe Lapit na Plebisito san kaya pupulutin si peweeee hahahahaha…..pero di ba chichirya un?

  112. God has its on way talaga…lalo pag masasama ang layunin ng isang tao…may katapat din…….kahit you have the power and the if the hand of god works na…la n din lakas yung pera….at posisyon…..

  113. Sa mga Tau Gamma harapin nyo nalang muna ang kaso nyo sa napatay ninyong Neo….dahil sa hazing……

  114. naniniwala ako n ang 1 matalinong botante ay nngangailangn ng 1 lingo o higit p para mkita nag validity ng mga argumento ng pro yes at no.. kay gov nantes…. nakakaasar dhil may responsibility k kung bkit kailngan hatiin ang quezon kasi co-author suya ng 9495. pero ngaun binabawi niya stand nya dhil nkita nya depekto ng RA.. Ganun ba siya ka purol para noong una pa lang ay di niya npag aralan ang nilalamn ng Pina g amahan nilang batas???

  115. Ganunpaman hindi talaga i2 usaping pampulitika. sana hindi tau maligaw yes man tau o no.. sana marami p akong mabasa para hindi ko kailangang i depende ang desisyon ko sa mga pulitiko malapit sa akin..

    • dear gold,

      sana ay magkaroon ka ng panahon na basahin ang updated primer na naka-post din naman sa blog na ito kung babasahin din lang ang hinahanap mo.

      salamat sa interes mo sa isyung ito. mabuhay ka!

      erin

  116. mahal n cong. nais ko lng po mlman ang validity kung ang powerplant b ng pagbilao ay mahahati ang buwis para s quezon del sur at norte s panahon lamang ng pagtatayo ng bagong kapitolyo o patuloy n magkakaroon ng share ang sur hanggang s tuluyan ng ito ay maging isang hiwalay n probinsya? maaaring nalilito po ako spagkat paano nga b hahatiin s dalawng probinsya ang buwis ng isang establesimyento s 1 pagkakataon. ako po ay naniniwala n ang hngarin ng bawat isa ay lagi ng may mganda dahilan. mgndang araw po..

  117. To all NO,
    good day , di ko lang maintindihan bakit sinasabi unconstitutional, ang R.A.9495, eh wala nama nilabag sa local government code, sa lahat ng nag sasabi ng labag ito nabasa nu ba cover to cover ang local govermentment Code?
    thank you nag tatanung lang po mabuhay po tayung mga taga quezon!

  118. to Mr. Bacuno,
    Paano mo nasabi na maunlad ang tagkawayan eh saan mo ba tinitingnan ang kaunlaran ng isang bayan, sa mga kongkretong gusali at lansanngan o sa uri ng pamumuhay ng pamayanan?

  119. To. mr bacuno ,
    alam mo ba na dahil sa bakobako ng daan sa pobalcion eh may nagtanim ng kangkong at saging sa gitna ng daan doon mismo sa pobalcion 4 years ago, yan ba ang maunlad n bayan n sinasabi mo na hindi umaasa sa provincial govnement,

  120. Hamakin mong pati si Bokal Derik Magbuhos ay NO din pala….tsktsk!!!!talaga nga naman mga inampon ng Tanada mga taksil…..pera pera nga nmn….yai lapit na 2010…..

  121. […] info on RA9495 here Tags: Quezon Del Sur, Quezon Province, RA9495 Published by Menard on Dec 10, 2008 under Politics […]

  122. Ang Korte Suprema lamang ang pwedeng mag sabi kung ang isang batas ay labag sa Saligang Batas. Lagi nyo na lang sinabi na bakit naipasa ito sa Kongreso kung labag sa batas at dahil sa napasa ito at naging batas. Hindi ito unconstitutional. Sobrang dami ng batas ang na declared ng Supreme Court na unconstitutional. Going to court is a defeatist position? Ilang batas na ba ang dinala sa Supreme Court ng mga Tanada para questionin kung unconstitutional ang mga ito?(tanada vs. angara) At ngayong ang batas na sila ang nag sulong ang dinala sa Supreme Court, defeatist position?

    Kung mahahati ang Quezon.

    Anong ang magiging CLASS ng Quezon Del Sur?

    1st class Province?
    2nd class Province?
    3rd Class Province?

  123. Dear Wishful Thinking,

    Quezon del Sur will still be considered a first class province. One of the requirements on being a province is that both the mother province and the newly created one should not change in classification. Based on the Department of Finance and DILG, both will remain First Class Provinces.

  124. para kay dahong palay,

    tama lang na dahong palay ang itawag sa iyo dahil traydor ka. kilala mo ba si gov. nantes? tiyak na hindi sapagkat ang kilala mo lang ay ang mahuhuthutan mo ng salapi para magtago ka sa mga dahon ng palay at mag-ala hunyango. di ba’t kasama sa bayad mo ang manira ng kapwa. kawawa naman ang pamilya mo kung ang ipinakakain mo ay galing sa paninira. magbago ka na at hindi pa huli. hindi ako maka-nantes pero mali ang tirada mo. trapo ang hilatsa ng iyong taludturan. walang sinuman ang makapipigil sa sinuman kung saan niya gustong ipagsiksikan ang kanyang sarili. ang mahalaga hindi siya pabigat sa lipunan na kagaya mo.

  125. sabi nga ni ka tonying, kung ang trend daw na ise-set ng RA 9495 ay mapapaboran, eh di maghati-hati na lang tayo sa Pilipinas Kong Mahal, Pilipinas Oriental, Pilipinas Occidental, etc., Pagalingan na lang sa pamumuno at kung sino ang mabubuhay.xxx gusto seguro ng simbahan na magkanya-kanya na dahil nadadaig na sila ng El Shaddai. Malaki kasi ang papasok ng pera ni Bro. Mike kaysa sa limos kay obispo marquez kaya nagagalit ang papa sa Roma.xxxkapag nagkagalit ang suarez at tanada, hindi malabong humiwalay din ang 3rd district sa 4th, ang magiging tawag sa kanila ay Quezon del sur occidental, at Quezon del sur oriental, hehehe.xxx at paano kapag humiwalay ang tagkawayan o lopez o calauag, baka kumabit sila sa camarines norte, kc uso naman kabit, wala na kasing moralidad sa “exercise of political rights” eh, ang naniniya na lang ay opinyon ng iilan at hindi ng nakararaming “silent volcano”.

  126. ang pag-unlad ng tao ay hindi matutugunang lahat ng gobyerno. hatiin mo man kahit ilang beses ang pamahalaan kung ang mahihirap naman ay mananatiling “bayaran” o “prostitute” pa rin sa pulitika wala ring mangyayari kundi higit na paglublob sa kumunoy ng pagdarahop at pagkagutom. mga mahihirap at patuloy na naghihirap, huwag kayong umasa sa gobyerno, magbanat kayo ng buto at huwag tamad, gawa lang kayo ng gawa ng bata ay, paraos ng paraos kaya kayo ngayon ang pinagpaparausan ng kapritso ng mga sinasabing “makamahirap” daw. walang ibang tutulong sa inyo kundi ang mga sarili ninyo. huwag kayong umasa kay obispo marquez, hindi siya tunay na kristyano, tunay siyang TRAPO..

  127. kung ano man ang kahihinatnan ng plebesitong ito, kasaysayan na lang ang huhusga. sana’y naman tayong husgahan ng kasaysayan eh hehehe. pero hindi gaya sa ibang demokrasyang lipunan, depinido ang pagpapasya ng tao at madaling pulsuhan ang mga mamamayan. sila ang humuhusga sa kasaysayan nila. ang katagang “voice of the people” dito sa atin ay “voice of the few” ang esensya. ang hukuman naman ay hukluban ng mga may kiling sa makasariling pampulitikang oryentasyon kaya nakabitin ang mga pinal na desisyon.

  128. para kay treb,

    hindi lamang cover to cover kong binasa ng paulit-ulit ang local government code of 1991 and its amendments. kasali rin ako sa mga nagdraft nyan noon at naiimbitahan ako sa mga pag-aaral nito from time to time upang suriin kung may mga irrelevant provisions na ito ayon sa takbo ng panahon.. ikaw, hanapin mo sa journals ng kongreso ang mga “extrinsic” character nito upang mabatid mo kahit papaano ang intensyon ng batas. nang sa gayu’y maging kaibigan ka ng Korte Suprema sa pagpapasya nito sa RA 9495. Hindi pwede sa malayang debate sa sibilisadong lipunan ang estilo ng iyong tirada. masakit sa tenga ang iyong sinasabi at nakakahiya sa mga kritiko ng ating pampulitikang ehersisyo kung manatiling ganyang katradisyunal ang iyong banat.

  129. para kay marcus,

    napakarumi mong lumaro sa pulitika. binasa ko ang posisyon ni pewee ayon sa kanyang panulat, gaya ng sa iba. si pewee ay lumalago na sa kanyang pampulitikang pananaw at patuloy na nagsusuri sa mga pagbabago sa lipunan. wala kang karapatang husgahan ang kanyang pagkatao upang sakyan ito sa mali mong paninindigan. pag-ibayuhin mo ang pag-aaral sa mga konsepto at ideya ng pagbabago upang lumago ka rin. ang nakaraan ng isang tao ay napagdaan na niya at siya rin ang siyang tanging nagpapasya sa kung ano ang tutunguhin niya.

  130. para sa lahat,

    buhat sa kagayang linya ni cardinal sin: “maaari nating alisin sa quezon ang lahat ng mga quezonian subali’t hindi natin maaalis sa puso ng mga quezonian ang iisang Quezon”.

    salamat po at hanggang sa muli. nawa’y sumainyo ang diwa ng kapaskuhan.

  131. NAGBABALIK!

    TIN-TIN, MARAMING SALAMAT.

    OVER 60,000 QUEZONIAN FOUND “THE LIGHT”, “THE WAY” AND “THE TRUTH”

    MARAMING MARAMING SALAMAT SA MGA TUNAY NA NAGMAMAHAL AT NAGMAMALASAKIT SA ATING IISANG LALAWIGAN.

    SAAN DAW AKO PUPULUTIN PAGKATAPOS NG PLEBISITO? AKO PO AY PATULOY NA TATAYO AT MANININDIGAN, MAGLILINGKOD SA AKING MGA KABABAYAN KAHIT SA MALIIT NA PARAAN.

    MARAMI AKONG ARAL NA NAPULOT SA MGA PANGYAYARI LAONG LALO NA SA MGA NAKATALA DITO.

    SA GINAWANG MATALINONG PAGPAPASIYA NG MGA KALALAWIGAN AY NAGPAPATUNAY LAMANG NA HINDI NA MAAARI PANG MAGTAGUMPAY ANG KASAMAAN SA KABUTIHAN. HINDI KO NAMAN PO SINASABI NA NATALO ANG KABUTIHAN SA ILANG BAYAN SAPAGKAT SA BANDANG HULI PO AY ANG DIYOS PARIN ANG MAGPAPASIYA.

    SANA PO AY TANGGAPIN NATIN NG MAY KABABAANG LOOB ANG NAGING BUNGA NG MAKASAYSAYANG PAGTATANGKA NA HATIIN ANG ATING LALAWIGAN.

    MULI, MARAMING MARAMING SALAMAT PO SA INYONG LAHAT.

    MALIGAYANG PASKO PO.

  132. peewee at sa lahat ng hindi pumabor sa paghahati ng Quezon,

    hindi natin dapat tingnan ang paghahati bilang kasamaan dahil katulad mo’y ako’y naninindigan din sa aking paniniwala. walang masama sa tangkang paghahati sapagkat may mga layunin itong para din naman sa ikabubuti ng mga constituents ng timog Quezon. huwag ka sanang malunod sa tagumpay ng iyong ipinaglaban at akuing ikaw ang mabuti at lahat ng nag-yes (kasama ako) ay masama dahil ikaw na rin ang nagsabi na dapat ay maging mababa ang ating loob. walang sinuman ang may karapatang maghusga kung sino ang mabuti, lalo nang akuin pa ito, at ituring ang katunggali sa intelekwal na diskusyon na masama. ang naging laban noong nakaraang plebesito ay laban ng dalawang paniniwala at hindi ng kabutihan sa kasamaan.

    sa pagsubaybay ko sa thread na ito, unti-unti rin kitang nakilala kahit papaano. at natutuwa ako bilang isang mas nakakatanda (kung nakakatanda man ako, im only in my mid-20s) o bilang isang in loco parentis (dahil ako’y dalubguro) na may natutunan ka sa labang ito. iyon ang pinakamahalagang idinulot ng iyong tiyaga at pagpupursige sa iyong paniniwala. ako man ay marami ring natutunan. at sa aking palagay, mas naging matalino akong mamamayan ng lalawigan ng Quezon at alam ko na kung sinu-sino ang aking pipiliin sa 2010 elections.

    buong-puso kong tinatanggap ang pagkatalo ko sa aking paniniwala base sa resulta ng nakaraang plebesito (hindi ko alam ang opisyal na resulta pero ikaw na rin ang nagsabing lumamang kayo ng 60,000 votes) ngunit hindi ibig sabihin nito’y isinusuko ko ang aking laban. sana nga, magsilbi itong aral sa mga nanunungkulan diyan sa kapitolyo at magmulat sa kanilang mga mata na bigyang pansin ang katimugang bahagi ng lalawigan, gayundin ang mga taga-hilaga na alam kong matagal na ring namamalimos ng atensiyon.

    maligayang pasko.

  133. Sa mga taga lalawigan ng Nag-iisang Quezon ,

    Cong. Erin ,

    Sa naka lipas na pelebisto ito ay isang bagong hamon sa ating ama ng lalawigan . Muli po pinatunayan ng taga lalawigan ng quezon ang isang tunay na pagsama-sama sa tunay na pag sulong ng ating probinsiya.
    Tunay po akong nag papasalamat sa iyo cong. erin sa pagbibigay ninyo ng pansin sa mga taong nagbigay ng kanya-kanyang kuro-kuro tungkol sa ating pelebisito . Marami pong salamat.

    Malayo pa ang 2010, pero ang inyong abang lingkod kasama ng aming samahan dyan sa Lopez Quezon tunay na susuporta inyong tunay adhikain sa 4th district. KAAKBAY – QUEZON CHAPTER

    Prov’l. Coordinator
    K A A K B A Y
    Russel Palmaria

  134. Salamat sa lahat na nakibahagi sa debate tungkol sa RA 9495. Bagamat hindi tayo nanalo sa plebisito, pinakita pa rin natin na ang Quezon del Sur ay panalo pa rin sa 3rd and 4th district. Hindi tayo natalo ng 60,000 kagaya ng sinabi ni Pewee. Natalo tayo ng mga 45,000-47,000. Salamat sa mga sumuporta sa ating adhikain na magkaroon ng dalawang probinsiya para mas maganda ang serbisyo sa mga tao sa malalayong bayan at barangay.

    This is just a temporary setback. I plan to file another bill in the future.

    I hope the people will benefit from this exercise with better services and benefits from the province whoever the Governor may be. The challenge to provide better services and benefits lies now with the provincial government that boasts of its resources as a solitary province.

    Now we move to 2 other issues CHA CHA and CARP.

    Merry Christmas and Happy New Year.

  135. ka dino at ka erin

    nais kung humingi ng paumanhin sa ng nauna kung pahayag, naging madali para sa akin ang magbitiw ng mga nakakasakit at hindi magandang mensahe. paumanhin muli.

    maraming maraming salamat po sa inyong lahat. sana po ay magkasama-sama tayo sa mga programang pangkaunlaran ng inyong tanggapan.

    ka erin at ka dino at sa lahat ng makakabasa nito. muli ay paumanhin. mabuhay po tayong lahat!

    MALIGAYANG PASKO PO!

  136. ka dino

    0919.475.9377, sana po sa pamamagitan nito ay magkaroon tayo ng ugnayan. maraming salamat po!

    NO TO CHARTER CHANGE! NO TO TERM EXTENSION OF PGMA.

    padayon!

  137. MALIGAYANG PASKO PO AT MAPAGPALANG BAGONG TAON SA LAHAT.

  138. Pinalita lang sa nakaraang plebesito kung gaano kadumi ang politika ang ang mga makasariling adhikain ng ng mga plitiko bayaran, pananakit sa pari, pang hohostage sa mayor ng lucban upang hindi makakilos para sa pag hahati ng quezon….guess now we know kung anung klase ang ating governador ngayon……

  139. akilis

    magandang gabi.

    ang tagal naman ng reaksyon mo. nasa palad mo ang sagot sa mga isinulat mo.

    bayaran… tama ka nagkabayaran nga dito sa tagkawayan.. ang laki nga ng naubos na pera dito nong taga 3rd dist. eh..hehehe

    kung totoo man at may katibayan ka na may hinostage na mayor sa lucban, sabihin mo mag file ng kaso.. tama? para mawala agam-agam mo.

    anong klaseng gobernador meron tayo? syempre MAY CREDIBILITY… kaya nga pinaniwalaan ng nakararaming mamamayan ng QUEZON eh.

    marumi ang pulitika? tama ka, kasi marumi ang mga ibinoto mo eh.. kaya ngayon, marumi ang pulitika.

    GOD BLESS YOU!

    • Well hindi ko nmn kailangan bumaba sa kung saang putik ka man nakatungtung pewee…so affected…kasi guilty TAMA?!!!!!

  140. akilis

    and what are you doing?. waaaa!

  141. hirap basahin to mga tol!!!

Leave a reply to dino Cancel reply