Erin Tañada, Pinarangalan Bilang Natatanging Anak ng Lalawigan ng Quezon

Erin Tañada, Pinarangalan Bilang Natatanging Anak ng Lalawigan ng Quezon

Iginawad kay Cong. Lorenzo ‘Erin’ Tanada ang Quezon Medalya ng Karangalan para sa Government Service at Legislation sa ika-131st anibersaryo ng kaaarawan ni dating pangulo, Manuel L. Quezon. Ang gawad parangal na ito ng lalawigan ng Quezon ay taunang ibinibigay ng mga mamamayan ng Quezon sa mga natatanging anak ng Quezon bilang pagkilala sa kanilang kapuri-puri at pambihirang kontribusyon sa iba’t ibang larangan. Layunin ng parangal na itaguyod ang mga katangiang isinabuhay ng dating presidente Manuel Quezon tulad ng nasyonalismo, tunay na serbisyong publiko at pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Ayon kay Cong. Erin. Labis-labis ang kanyang pasasalamat sa kanyang mga kababayan para sa iginawad nilang parangal sa kanya. “Nais kong ipaalam sa aking mga kababayan na ako’y lubos na nagpapasalamat sa kanilang pagbibigay halaga sa aking mga kontribusyon sa lipunan. Lalo ko pang pagbubutihan ang aking trabaho bilang kinatawan ng ika-apat na distrito, at higit pa, maging sa loob o labas man ng Kongreso. Ito pong medalyang ito ay lubos kong pahahalagahan, gaya ng pagpapahalagang ginawa at nakita ko sa aking mga ninuno. Sana po ay maipamana ko ito sa susunod pang mga salinlahi ng mga Tañada.”
Ang Quezon Medalya ng Karangalan awarding ceremony ay ginanap ngayong ika-19 ng Agosto, sa Quezon Convention Center, Lucena City.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: