Isang maikling pagsusuma ng buhay ni Cong. Tañada

Maka-Diyos. Makabayan. Makatao. Makakalikasan. Yan si Erin Tañada, ang kasalukuyang kinatawan ng ikaapat na distrito ng probinsiya ng Quezon.

Mula sa isang pamilyang makabayan, si Erin ay apo ni Lorenzo “Enchong” Tañada ng Gumaca, Quezon na nahalal bilang senador ng 24 taon (1947-1971) at anak ni Wigberto “Bobby” Tañada na nahalal bilang Senador ng 8 taon (1987-1995) at Kongresman ng ika-apat na distrito ng Quezon ng 6 na taon (1995-2001).

Dahil sa dugong makabayan na nananalaytay sa kanya, matapos magtapos ng abogasya sa Manuel L. Quezon University, siya ay naging tagapagtanggol ng karapatang pantao. Siya rin ay nagsilbing isang lider-estudyante at Presidente ng National Union of Students of the Philippines (1987-1989) nang siya ay nag-aaral pa lamang sa Ateneo de Manila University.

Sa loob ng tatlong taon na panunungkulan niya bilang kinatawan ng ikaapat na distrito, ipinatupad niya ang programang BANGON QUEZON. Siya ay nakapaghatid ng:

– 270 proyektong imprastruktura;

– 280 proyektong patubig;

– 66,766 na kagamitan at pananim sa pagsasaka;

– 18 farmer scholars;

– 122 computer sets na may kasamang ilang mga printers;

– 225 student scholars at 136 teacher scholars;

– 442 sets ng sphygmomanometer at weighing scales;

– 34 medical and dental missions at 5 surgical missions;

– P4M halaga ng medical assistance sa mga ospital sa distrito at sa Manila;

– P1.6M para sa PhilHealth assistance;

– P140,000 para sa Senior Citizen’s Federation; at,

– mahigit 5,000 na relief packages para sa mga nasalanta ng kalamidad.

Bagaman marami na ang naihatid na proyekto ni Erin sa distrito, naniniwala siya na kailangan pa rin ipagpatuloy ang programang BANGON QUEZON upang higit na matulungan ang mga mamamayan ng ikaapat na distrito. Ang programang ito ay sumasaklaw sa pagpapatupad ng mga proyektong imprastruktura, pagpapalaganap ng mga patubig sa kanayunan, pagpapaunlad sa agrikultura, pagpapahusay sa edukasyon, pangangalaga sa kalusugan ng mga maralitang maysakit, at pagbibigay ng tulong sa lokal na pamahalaan at sa komunidad. Higit pa rito ay ang patuloy na paninindigan para sa ikabubuti ng mas marami, tulad ng pakikipaglaban para maideklara ang coco levy fund bilang public fund upang makatulong sa mga magsasaka at manggagawa ng niyugan.

Advertisements

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: